Mga manggagawa ng Magnolia, nagpiket
February 07, 2021
Nagpiket ang mga manggagawa ng Magnolia sa harap ng kanilang pabrika sa General Trias, Cavite noong Enero 28 para ipanawagan ang dagdag na sahod at mas makataong mga kundisyon sa paggawa sa gitna ng pandemya.
Panawagan din nilang kilalanin ang collective bargaining agreement sa pagitan ng maneydsment at kanilang unyon. Laman nito ang pagbibigay ng kumpanya ng mga benepisyo, backpay para sa tatlong taon at bonus ng mga manggagawa. Ang Magnolia, isang kumpanya ng San Miguel Corporation, ay nagmamanupaktura ng mga produktong gatas (butter, cheese, at ice cream).
Sa Mandaue City, naglunsad ng 3-araw na silent protest ang mga manggagawa ng Coca-cola noong Pebrero 3 upang igiit sa maneydsment ang pag-regularisa sa may 86 na manggagawa nito.
Mga manggagawa ng Magnolia, nagpiket