Search warrant laban sa 2 aktibista, ipinawalang-bisa

,

Idineklara ng isang huwes sa Mandaluyong City na “di balido” ang search warrant na ginamit para halughugin ang tinutuluyang bahay ng mga aktibistang sina Lady Ann Salem at Rodrigo Esparago noong Disyembre 10, 2020. Idineklara rin ng husgado na hindi maaaring gamitin na ebidensya ang “nasamsam” na mga baril at eksplosibo mula sa kanila. Sa gayon, walang kaso ang Philippine National Police laban sa dalawa. Mahalagang tagumpay ito ng lahat ng mga inaresto gamit ang depektibong mga search warrant at sinampahan ng gawa-gawang mga kaso.

Ang hindi balidong search warrant ay inilabas ni Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng Quezon City, ang tinaguriang “reyna ng pabrika ng mga warrant.”

Sina Salem at Esparago ay kabilang sa pitong ak­tibistang iligal na inaresto sa araw na ginugunita ang Araw sa Ka­ra­patang-tao na tinaguriang Human Rights Day 7. Ang iba pa ay sina Dennise Velasco; Mark Ryan Cruz, Romina Raiselle Astudillo, Jaymie Gregorio at Joel Demate. Si Salem ay patnugot ng online na pahayagang Manila Today habang ang anim ay mga aktibistang nagtataguyod sa karapatan ng mga manggagawa.

Search warrant laban sa 2 aktibista, ipinawalang-bisa