Kalatas February 2021 | Sapilitang pagpapasuko ng AFP sa Batangas
Pinipilit sumuko ng mga pasista ang mga residente ng isang baryo sa Batangas City, Batangas na itinuturo ng mga militar na taguan ng mga NPA.
Pinatitipon ng mga sundalo ang 20 tao mula sa baryong ito para magpalinis umano ng pangalan. Idinaos ang pulong sa isang opisina ng munisipyo ng Bolbok noong Enero. Kinunan din ng mga litrato at bidyo ang mga residenteng pumunta sa patawag ng sundalo. Gamit ng mga sundalo sa pagpapatawag ang isang listahan ng mga residenteng pinagsususpetsahang nagpapatuloy at sumusuporta sa mga NPA na dumadaan sa lugar. Unang inilabas ang listahan noong 2011.
Sinusuhulan ng mga militar ang mga residente ng P7,000 sa bawat “sumbong”. Sa ganito, naghahasik ng intriga ang mga sundalo para mawalan ng tiwala sa isa’t isa ang magkakabaryo at magkakamag-anak.#