Atake sa mga tagapagtanggol ng mga Tumandok

,

Brutal na inatake ng mga ahente ng estado ang dalawang tagapagtanggol ng mga Tumandok noong nakaraang linggo.

Binaril at napatay ng nagpakilalang mga pulis noong Pebrero 28 si Julie Catamin sa Malitbog, Tapaz, Capiz. Si Catamin ay kapitan ng Barangay Roosevelt sa parehong bayan. Ibinunyag ni Catamin na tinamnan ng mga armas at eksplosibo ang tahanan ng apat na residente ng kanyang barangay noong Disyembre 2020. Kasabay ng insidenteng ito ang pagmasaker sa siyam na magsasakang tinaguriang Tumandok 9.

Noong Marso 3, sinaksak sa ulo at likod ng dalawang di nakilalang lalaki si Atty. Angelo Karlo Guillen sa Gen. Luna St., Iloilo City. Si Guillen ang abugado ng mga pamilya ng mga Tumandok at magsasakang inaresto sa Capiz at Iloilo noong Disyembre 2020. Kabilang din siya sa mga abugado ng mga nagsampa ng petisyon laban sa Anti-Terror Law (ATL). Tumatayo siyang pangkalahatang kalihim ng National Union of People’s Lawyers-Panay.

Atake sa mga tagapagtanggol ng mga Tumandok