Mga protesta
EDSA 35. Higit 500 ang nagtipon sa harap ng Camp Aguinaldo sa Cubao, Quezon City noong Pebrero 25 para gunitain ang ika-35 anibersaryo ng pag-aalsang EDSA. Pinangunahan ito ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at mga organisasyong pambansa-demokratiko. Inilunsad din ang mga protesta sa Laguna, Angeles City, Baguio City, at Naga City.
BakwitSchool7. Nagprotesta ang mga myembro ng Save Our Schools Network sa Quezon City noong Pebrero 22 at Cebu City noong Pebrero 28 para ipanawagan ang kagyat na pagpapalaya sa pitong inarestong mag-aaral na Lumad, guro at datu sa Bakwit School sa Cebu noong nakaraang buwan. Kinundena rin nila ang sapilitang pagpapauwi sa pitong kabataang Lumad at paglipat sa mga inaresto nang hindi ipinaalam sa kanilang mga abugado at kaanak.
DuterTUTA. Isang raling iglap ang isinagawa noong Marso 5 ng mga myembro ng League of Filipino Students sa harap ng embahada ng US para kundenahin ang patuloy na panghihimasok ng US sa bansa.