Mga mukha sa likod ng baril: Bakit ka sumampa sa NPA?
Tatay Jose
Maraming kontradiksyon sa buhay ni tatay Jose.
Kung tanungin kung bakit siya sumampa sa NPA, simple lang ang kanyang sagot. “Para mag-alagad sa masa,” sabi ng 66-taong gulang, maliit na panginoong maylupa, dating miyembro sa Civilian Home Defense Force (CHDF), at ex-barangay kagawad.
(Ang CHDF, na ngayo’y mas sikat sa terminong CAFGU o Civilian Armed Forces Geographical Unit, ay isang paramilitary group na itinayo para magbantay sa mga lokalidad habang busy ang mga sundalo sa paglulunsad ng mga operation.)
Bago tanggapin sa CHDF, pinagdaanan ni tatay Jose ang 50-araw na training sa Malaybalay, at tatlong buwan na training sa ilalim ng mga sundalo ng 57th IB.)
Una siyang nalinyahan sa mga kasama noong 1980s sa edad na 35. CHDF at kagawad pa siya noon, pero dahil naka-intindi na makatwiran ang rebolusyon, kumilos siya nang walang pag-aalinlangan.
Mayroong dalang pagsubok ang mga nag-babanggaang aspeto ng buhay niya. Pinaka-malaking hamon ang taong 1981, pagkatapos mamulat. Kinailangan niya ipagpatuloy ang pagka-CHDF para hindi maging kaduda-duda sa mata ng mga kapit-bahay. Sa araw, kasama niya ang mga CHDF at mga sundalo ng 57th IB; sa gabi kapiling niya ang mga NPA na tinutulungan niya sa pag-bantay ng kanilang ruta dahil baka dumaan din ang mga CHDF.
Taong 2004, pagkatapos makakuha ng mga educational discussions (ED) na BPC at IC, sumampa si tatay Jose. Lagpas kwarenta na ang edad niya noong panahon na iyon. Mayroon na siyang pitong anak at napasa-kamay na ang 15 hectares ka-laki na lupa.
Itinulak siya ng natutunan sa mga ED — na ang dahilan kung bakit ang tao pinagsasamantalahan galing pa sa unang panahon ay ang tunggalian sa uri.
Ngayon halos 14 taon nang kumikilos si tatay Jose sa hukbo. Napatunayan niya na hindi hadlang ang edad, uri, at dating politikal na paninindigan sa pag-rerebolusyon, kahit pa ang pamilya. Sa totoo lang, apat sa pitong anak ni tatay Jose ang sumampa rin.
Hanggang nasa katwiran ang rebolusyon ay yayakapin ito ng masa. Pareho ni tatay Jose na kahit gaano ka-laki ang mga kontradiksyon, nakayang lampasan sa tulong ng kanyang ideolohiya. Nakaya niyang talikuran ang komportableng buhay, kahit ang sariling uri.
Hindi niya makalimutan ang sinabi ng kanyang papa, isang dating Hukbalahap: “Napagdaanan ko na ang labanang hanggang tuhod at labanang hanggang bewang. May darating na labanang hanggang leeg. Kumampi kayo sa taga-bukid dahil sila ang tumutupad sa sakto.”
Eunice
Pagkatapos ng anim na taon ng pagtuturo sa loob ng classroom, sa gerilya na eskwelahan na nagtuturo si Eunice.
Anim na buwan na sa hukbo si Eunice, 34, AB English graduate, may dalawang anak na pito at tatlong taon ang edad.
Dumaan siya sa panahon ng pag-adjust sa pagtuturo dahil sa kaibahan sa nakasanayan. “Dito may panahon na maputol ang klase dahil sa seguridad, minsan walang mga gamit, pero ang importante ang pagpa-intindi sa mga estudyante,” sabi niya.
Sumampa siya dahil naintindihan ang importanteng tahas bilang intelektwal sa pag-pasa ng kaalaman, lalo na sa mga napag-kaitan ng karapatan sa libreng edukasyon.
“Marami dito ang hindi nakapag-aral. Hindi tayo makakalimutan ng kasama na naturuan natin kung paano mag-basa,” sabi ni Eunice.
Malaki ang papel ni Eunice sa literacy and numeracy (litnum) program para sa mga hukbo at masa, kung saan itinuturo ang batayang pag-basa, pag-sulat, pag-bilang, at iba pa.
Pero kung maraming estudyante si Eunice sa pulang paaralan, ano ang isang bagay na siya ang tinuruan galing sa pag-sampa? “[Natutunan ko kung paano] maging hukbo. Natutunan ko ang mga trabaho na akala mo panlalake lang, tulad ng pag-gamit ng baril,” sabi niya.
Marami nang pinagdaanan na mga EDs at pagsasanay para sa hukbo si Eunice, kasama ang sniper training.
Napatunayan ni Eunice na kaya pala talaga ng babae na humawak ng baril at lumaban sa mga mapang-api. Nagustuhan ni Eunice na hindi mababa ang tingin, kundi nirerespeto ang karapatan ng mga babaeng kasama.
Katulad ng ibang mga babaeng sumampa, nakita ni Eunice na mas maganda ang sitwasyon ng mga babae sa loob ng yunit kung ikumpara sa labas.
“[Sumampa ako dahil naintindihan ko na] kung nasa labas pagsamantalahan lang din ako, lalo na ngayon na sobrang bangis ng paraan ng pag-pangulo ni Duterte,” sabi niya.
“Ang mga trabahante ngayon walay trabaho, nag-stambay. Mayroong nag-aabroad pero umuuwi lang din,” dagdag ni Eunice tungkol sa sitwasyon sa trabaho ngayong panahon sa pandemyang Covid-19.
Sa pagkawala niya sa apat na sulok ng sementadong classroom at pag-pili sa pulang paaralan ng Hukbo at Partido, gusto ni Eunice na tumayong inspirasyon sa iba pang mga kasama.
“[Sasabihin nila kung makita ako dito] ‘peti-b[urgesya] nga siya pero nandito siya sa loob [ng hukbo], kaya niya ang mga sakripisyo,'” sabi ni Eunice.
Gagawin niya ang lahat para mapangibabawan ang mga kahirapan dahil alam niya na para ito sa karamihan.
“Walang ibang kapupuntahan kundi ang pag-rebolusyon,” sabi niya.
Kiko, 19
Bago sumampa si Kiko, hindi na niya naranasan na mangarap.
“Wala akong pangarap noon, kase ganoon din naman — ‘di matutupad sa ganito ka-bulok na sistema,” sabi ni Kiko, 19.
Hindi niya maintindihan noon kung bakit sobrang daming bayarin sa eskwelahan: mayroong para daw sa PTA, para i-develop ang eskwelahan, mga project, libro, iba pa ang tuition fee para sa buong taon. Masyadong mabigat ito na pasanin para sa nagpa-laki sa kanya na parehong magsasaka.
Maliban sa eskwelahang ginawang negosyo, nahirapan si Kiko sa pag-focus sa pag-aaral dahil sa burgis na kulturang pina-palaganap sa mga kabataan.
“Naranasan kong mag-cutting classes para gumala kasama ng mga barkada, maki-fiesta sa ibang baryo, uminom ng alak, kahit magnakaw ng mga prutas pareho sa rambutan at durian,” sabi ni Kiko.
Sa edad na 16, grade 8, huminto na siya sa pag-aaral. Nagsimula siyang tumulong sa mga magulang sa pag-saka.
Minana niya ang pasanin ng matanda nang mga magulang: ang pyud
alismo. Dahil walang sariling lupa kinailangan magpa-alipin sa mga maylupa, at kumayod araw-gabi para ibenta ang mais nang halos libre.
“Kung maka-sanggi na ako, lagi lang ako sinasabihan ng buyer ng ‘mamaya na, mamaya na, kase basa pa ang mais mo.’ Akala mo magma-mahal ang presyo pero hindi pala,” sabi niya.
Hindi katanggap-tanggap ang ganitong kalagayan — naghanap siya ng paraan para baguhin ito. Mula sa lokal na balangay ng Kabataang Makabayan sa kanilang baryo, sumampa siya sa NPA para labanan ang sistemang tanikala sa mga kabataan sa pag-kamit ng mas magandang kinabukasan.
Ngayon, sa pulang paaralan nagpapatuloy ng pag-aaral si Kiko. Isa siya sa mga pinaka-bagong graduate sa kursong BPC sa loob ng yunit.
Si Kiko na walang lugar para mangarap sa una, ngayon, tumutulong sa pag-kamit sa pangarap ng masa.
Yoyo
Sa murang edad natikman ni Yoyo ang pait ng pang-aabuso ng mga sundalo.
Katorse pa lang siya nang hambalusin ng baril ng miyembro sa AFP habang nag-iigib ng tubig kasama ang bayaw niya. Pinagpilitan ng mga kaaway na NPA silang dalawa.
“Maliit pa ang katawan ko noon. Sabi ng sundalo sa bayaw ko, ‘Bakit mo pina-sampa ang kapatid mo, ni hindi pa nga ‘yan maka-dala ng baril?” sabi ni Yoyo, 21, habang inaalala ang panahong iyon pitong taon na ang lumipas.
Sinubukang ipahayag ng bayaw niya na sibilyan sila pareho pero hindi nakinig ang mga sundalo.
“‘Wag mo nang i-tanggi,’ pilit nila. Wala na akong nagawa,” sabi ni Yoyo. At binugbog na silang dalawa ng bayaw niya.
Dahil dito naintindihan ni Yoyo ang kaibahan ng AFP sa NPA.
“Saludo talaga ako sa hukbo. Tayo, kung makakita ng masa, kina-kamusta natin sa presyo ng kilo sa mais, […] sa presyo ng abuno. Ang sundalo kung maka-daan, ‘naka-bantay mo sa mga pareho namin na nagdadala ng baril, mga NPA?” pag-kumpara ni Yoyo.
Hindi rin niya makalimutan ang ginawang pagpanakot ng sundalo sa kanyang mga ka-barangay.
“Kahit masang nag-suot lang ng bota, [sabihan ng] ‘saan yung kasama mong mga NPA’?” naalala ni Yoyo na ginawa sa kapit-bahay na nag-lipat lang ng kalabaw habang gumagamit ng flashlight na lighter isang madaling-araw.
Sa dami ng narinig at pinagdaanang pang-aapi sa kamay ng mga sundalo naghanap si Yoyo ng paraan kung paano labanan ang mga pasista para wala nang iba pang ma-biktima.
“Kaya lumaban talaga ako,” sabi niya. Sumampa si Yoyo sa NPA.
Ilang buwan pa lang nang sinaywar ng sundalo ang mismong magulang ni Yoyo. Pinressure ang nanay niya pauwiin na lang siya, kapalit ng bagong bahay at kalabaw.
“Pinalayas sila mama sa bahay at sinabihan na kung nandoon pa rin sila at hindi pa ako umuuwi, sisirain nila ang bahay namin,” sabi niya.
Mas naka-siklab lang ang pangyayaring ito sa galit ni Yoyo sa mga pasista.
Patuloy siya sa mga pagsasanay sa hukbo at praktika para tumaas ang kakayahan bilang Pulang manggugubat. Ilang buwan na ang naka-lipas nang nagkaengkwentro ang yunit ni Yoyo at mga pwersa ng AFP, kung saan isa siya sa mga kasama na nasa striking force. Dalawa ang kumpirmadong patay sa mga kaaway habang walang kaswalti sa mga kasama.
Pitong taon na ang nakalipas galing sa araw na binugbog siya ng sundalo nang walang kalaban-laban. Hindi na iyon mauulit pa.
Isa na siya sa hukbong dudurog sa kaaway at magpo-protekta sa masang-api.