Lider ng Partido at kanyang asawa, brutal na pinaslang

,

Dinukot, ilang buwan na idinetine nang palihim, at tinortyur bago pinatay sa pamamagitan ng paggarote ang mag-asawang sina Antonio Cabanatan, 74, at Florenda Yap, 65. Iniwan ng mga berdugo ang kanilang mga bangkay sa isang bahay sa Barangay Botong, Oton, Iloilo noong Disyembre 26, 2020. Ilang taon nang retirado sa Partido ang mag-asawa dulot ng sakit at katandaan.

Kinilala ng Partido ang mahaba at maningning na kontribusyon ni Cabanatan, na kilala rin bilang Kasamang Manlimbasog (Magpunyagi). Mula nang maging aktibistang estudyante noong 1967 ay tuluy-tuloy siyang naglingkod sa rebolusyon. Susing papel ang ginampanan niya sa pagpupundar ng pambansa- demokratikong rebolusyon sa Cebu, Negros Oriental, Bohol, Leyte, Samar hanggang hilagang Mindanao.

Mahusay niyang pinamunuan ang rebolusyon sa Kabisayaan at Mindanao, at tumangan ng mabibigat na responsibilidad.

Mababasa ang parangal ng Komite Sentral sa Marso 17 na espesyal na isyu ng Ang Bayan.

Lider ng Partido at kanyang asawa, brutal na pinaslang