Diklap | Tula: Hanggang sa muli, Ka Resty

,

Isang balita ang nagpakuyom ng aking palad
Balitang pati nakaraan ay kinakaladkad
At mga tanong na tila ba naglalakad
Na bakit ang tulad mo ay biglang lumipad

Sa isip ay lagi na lang sumasagi
Nang una kang makita sa ikaapat na gusali
Sa ikalawang palapag na nagbuhuhat na dali-dali
Na siyang dahilan kaya masakit ang mga daliri

Sa tuwing makakasalubong tayo sa danan
Pinag-uumpog natin mga kamao na tila nagyayabangan
Subalit iyon ang tanda ng ating pagkakaibigan
Na di na mabubura sa ating puso’t isipan

Di sapat ang sang daang saludo
Di sapat ang papuri na libu libo
Di sapat ang magagandang salita
kahit pa makapal pa sa libro
Dahil ang sapat sa iyo
ay huwag kaming susuko sa laban hanggang dulo

Hanggang sa muli.
Part.
Doy.
Makakaasa ka na di masasayang
ang ibinuhos mong dugo.

Diklap | Tula: Hanggang sa muli, Ka Resty