Pagpupugay kay Kasamang Rosalino Canubas
Nagbigay-pugay ang Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas at ang Panrehiyong Komite nito sa Cagayan Valley kay Kasamang Rosalino Canubas (Ka Yuni), panrehiyong kumander ng BHB sa Cagayan Valley, na napaslang sa isang labanan sa Barangay San Mariano Sur, San Guillermo, Isabela noong Marso 15.
Ang parangal ng Komite Sentral ay isinaad sa mensahe nito noong Marso 29. Anito, isa si Ka Yuni sa mga nakababatang kadre ng Partido na nahalal sa Komite Sentral sa Ikalawang Kongreso ng Partido noong 2016. Ito ay bilang pagkilala sa kanyang mga naging kontribusyon sa gawaing militar sa panahong siya’y nasa Southern Mindanao at Western Mindanao.
Sa Cagayan Valley, kung saan siya huling itinalaga, nakilala si Ka Yuni sa kanyang kapangahasan, anuman ang makaharap na sagabal at maranasang hirap. Si Ka Yuni ay ang unang pangalawang kalihim ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa Cagayan Valley.
Mababasa ang parangal ng Komiteng Rehiyon ng PKP sa Cagayan Valley sa cpp.ph.