BHB-Lanao, nakiisa sa Ramadan

,

Nakiisa ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Lanao sa paggunita ng mamamayang Moro sa Ramadan, ang sagradong panahon para sa mga Muslim sa buong mundo. Bilang pakikiisa, sumabay sa pag-aayuno ang mga Pulang mandirigma noong Abril 12, ang unang araw ng Ramadan.  Ikaapat na Ramadan na ito mula nang wasakin ng rehimeng Duterte ang Marawi at pinalayas ang mga residente rito. Hanggang ngayon, napakaraming Moro pa ang di nakababalik sa syudad at umaasa lamang sa ayuda at pagmamagandang-loob ng mga internasyunal na ahensya. Patuloy pang lumulubha ang kanilang kalagayan sa mga sentro ng ebakwasyon dulot ng pandemyang Covid-19.

Sa gitna ng matinding paghihirap, patuloy na itinataboy ng rehimen ang mga Moro sa kanilang mga komunidad. Kabilang sa kanila ang 1,500 pamilya mula sa Barangay Pusaw, Sharif Saydona Mustafa at 600 pamilya mula sa Barangay Kitango, Datu Saudi Ampataun na napilitang magbakwit dulot ng walang patumanggang pambobomba at istraping ng militar. Dagdag sila sa mga bakwit na mahihirapang gumunita sa Ramadan ngayong taon.

Nanawagan ang BHB-Lanao sa mamamayang Moro na patuloy na maghangad ng lipunang malaya kung saan igagalang ang kanilang karapatan sa sariling pagpapasya.

BHB-Lanao, nakiisa sa Ramadan