Mga protesta
KARABAN PARA KAY JORY PORQUIA. Naglunsad ng misa at karaban ang iba’t ibang progresibong organisasyon at mga kaanak ni Jory Porquia sa Iloilo City noong Abril 30 bilang paggunita sa unang taon ng pagpaslang sa kanya at upang manawagan ng hustisya. Si Porquia ay nagsilbing organisador ng Bayan Muna sa syudad. Kabilang din siya sa mga nagtayo ng unang mga community kitchen (kusinang bayan) sa lunsod na naglalayong pakainin ang mga maralitang komunidad na apektado ng pandemya.
HUSTISYA PARA KAY JOHN FAROCHILIN. Nagtipon ang mga kaanak at kasapi ng Pamanggas sa harap ng Jaro Cathedral sa Iloilo City upang ipanawagan ang hustisya para kay John Farochilin. Pinaslang si Farochilin ng mga elemento ng AFP noong Abril 18, 2020.
KARABAN LABAN SA JEEPNEY PHASEOUT. Nagkaraban noong Abril 30 ang mga tsuper sa Baguio City upang kundenahin ang patuloy na pagsusulong ng programang “modernisasyon” ng rehimeng Duterte at pag-phaseout sa tradisyunal na dyip. Panawagan ng mga opereytor at tsuper na panatilihin ang kasalukuyang modelo ng dyip at ang kanilang kabuhayan.