Mga protesta
Protesta sa Washington. Naglunsad ng protesta ang mga Filipino-American sa harap ng embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. sa US noong Hunyo 16 ilang araw bago gunitain ang ika-75 taon ng pagbigay ng US ng huwad na kalayaan sa Pilipinas. Nanawagan sila na suportahan ang panukalang Philippine Human Rights Act na nakasampa sa Kongreso ng US.
CARP33. Sa ika-33 taon ng Comprehensive Agrarian Reform Program noong Hunyo 10, nagprotesta sa harap ng Department of Agrarian Reform ang mga magsasaka para kundenahin ang kawalan ng tunay na reporma sa lupa. Binatikos din nila ang mga kautusan ng ahensya na nagpapabilis sa proseso ng pagpapalit-gamit ng mga lupang agrikultural at nagpapahintulot na hatiin ang mga kolektibong certificate of land ownership ng mga benepisyaryo.
Padyak para sa #HRDay7. Nagbisikleta bilang protesta mula Liwasang Bonifacio tungong Korte Suprema sa Lungsod ng Maynila noong Hunyo 10 ang mga kapamilya at tagasuporta ng inarestong mga unyonista at mamamahayag noong Disyembre 10, 2020.