Kalatas June 2021 | Ang Kalayaan Group of Islands
Ang Kalayaan Group of Islands ay isang bahagi ng mga isla sa Spratly. Una itong inintegra sa Palawan noong 1972 at pormal na itinalaga bilang munisipyo ng probinsya sa bisa ng Presidential Decree 1596 ni Ferdinand Marcos na isinabatas noong Hunyo 11, 1978. Sumasaklaw ito sa walong islets at dalawang reef na may kabuuang sukat na 79 ektarya.
Naging kontrobersyal ang pag-ako ng Pilipinas sa Kalayaan dahil kay Tomas Cloma, isang Pilipinong negosyante, na nag-angkin sa mga isla noong 1956. Kasama ang 40 tauhan, idineklara ni Cloma na pag-aari niya ang mga isla at pinangalanan itong Free Territory of Freedomland (Malayang Teritoryo ng Lupain ng Kalayaan). Umani ito ng pagbatikos ng Taiwan na kagyat na inokupa ang kalapit na isla ng Itu Aba at pinaghuhuli ang sinumang tauhan ni Cloma na lalapit dito.
Mga islet at reef ng Kalayaan
1. Pag-asa (Thitu Island)
2. Likas (West York Island)
3. Parola (Northeast Cay)
4. Lawak (Nanshan Island)
5. Kota (Loaita Island)
6. Patag (Flat Island)
7. Panata (Lankian Cay)
8. Balagtas (Irving Reef)
9. Ayungin (Second Thomas Shoal)
10. Rizal (Commodore Reef)