Ang teknolohiya sa mga semiconductor
Papaabante ang teknolohiya ng semiconductor na may kinalaman sa kakayahang pagkasyahin ang mga circuit (o sistema ng mga alambre) sa maliit na espasyo. Noong dekada 1950, ang isang electronic chip ay mayroon lamang sampung circuit. Ilandaang ulit na lumaki ito noong dekada 1960. Sinasabing dumodoble ang kapasidad ng mga chip kada dalawang taon. Noong katapusan ng dekada 1980, ang isang laking-selyong chip ay kayang maglaman ng 16 milyong circuit. Sa nagdaang mga taon, nagagawang pagkasyahan sa maliit na espasyong ito ang 7-10 bilyong circuit.
Gumagamit ng espesyal na teknolohiya para iemprenta ang circuit sa mga silicon wafer (8-12 na pulgada na hugis biskwit) na gawa sa purong silica. Ang pinakaabanteng produksyon ng semiconductor ay kayang mag-imprenta ng circuit na 7 nanometer (nm) ang laki. (Ang dayametro ng karaniwang buhok ng tao ay 80,000-100,000 nm). Pinauunlad na ang kakayahan sa teknolohiyang 5 nm at 3 nm.