Ika-5 taon ni Duterte, sinalubong ng protesta

,

Higit isang libo ang nagmartsa patungo sa Mendiola Bridge sa Maynila sa ika-5 taon sa poder ni Rodrigo Duterte noong Hunyo 30 para singilin ang kanyang rehimen ng korapsyon, pagtataksil, pagpaslang at pagpapahirap sa bayan.

Sa pamumuno ng Bagong Alyansang Makabayan, giit ng iba’t ibang mga organisasyon ang pagwawakas sa mga pagpaslang at pagsasakdal sa rehimeng Duterte sa lahat ng kanyang krimen laban sa sambayanan. Naglunsad ng kaparehong protesta sa San Pedro City, Laguna.

Sa parehong araw, kinalampag ng mga manggagawang pangkalusugan ang upisina ng Department of Health sa Manila City para igiit ang kanilang benepisyo at ipanawagan ang pagbaba sa pwesto ng kalihim ng kagawaran na si Sec. Francisco Duque III.

Ika-5 taon ni Duterte, sinalubong ng protesta