₱9.4-bilyon mga anomalya sa AFP at PNP, binatikos

,

Binatikos ng Partido ang mga anomalyang nagkakahalagang ₱9.4 bilyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Kaugnay ito ng pondong inilabas para sa mga kontrata, proyekto at gastusing hindi natuloy.

Nalantad sa taunang ulat ng Commission on Audit (COA) na mayroong 41 proyekto ang AFP at PNP na nagkakahalaga ng ₱6.8 bilyon ang hindi natapos sa takdang panahon, habang siyam naman na proyektong militar na nagkakahalaga ng ₱940.5 milyon ang sinuspinde. Aabot naman sa ₱1.7-bilyong ang hawak ng PNP Special Action Force para sa mga kontratang hindi naipatupad.

Pinuna naman ng Bayan Muna ang malaking pondong hawak ng AFP at PNP, samantalang kulang na kulang ang pondo para bigyan ng ayuda ang mamamayan sa gitna ng pandemya.

₱9.4-bilyon mga anomalya sa AFP at PNP, binatikos