174-ektaryang reklamasyon sa Dumaguete, tinutulan

,

Tinutulan ng mga siyentista, kabataan, relihiyoso at residente ng Dumaguete City ang plano ng lokal na gubyerno rito na tambakan ng lupa o i-reclaim ang baybayin ng syudad para magtayo ng isang islang tinagurian nitong “Smart City.” Ayon sa mga nagpuprotesta, maapektuhan ng 174-ektaryang reklamasyon ang apat na Marine Protected Area na nagsisilbing tirahan ng mahigit 200 klase ng isda na lubos na aapekto sa kabuhayan ng mga mangingisda ng syudad.

Pinahintulutan ng konseho ng syudad noong Hulyo 7 si Mayor Felipe Remollos na igawad ang ₱23-bilyong kontrata ng proyektong reklamasyon sa kumpanyang E.M. Cuerpo, Inc. (EMCI) na kasosyo ng kumpanyang Chinese na Poly Changda Overseas Engineering Company. Sumiklab ang mga protesta sa pangunguna ng No to 174 Dumaguete Islands at Kabataan Para Sa Karapatan-Negros Oriental sa sumunod na araw.

174-ektaryang reklamasyon sa Dumaguete, tinutulan