2 magniniyog sa Surigao del Norte, pinatay ng 30th IB

,

Nagkokopra ang apat na magniniyog sa Sityo Pan-ukan, Barangay Cambuayon, Bacuag, Surigao del Norte bandang alas-3 ng hapon noong Hulyo 12 nang paulanan sila ng bala ng 30th IB. Agad na namatay sina Sagloy Destajo at Richard Lampad, habang malubhang nasugatan si Benjie Destajo—pawang mga residente ng Barangay Pautao. Inaresto at iligal ngayong nakabimbin si Julieto Madelo, residente ng Cambuayon.

Samantala, inaresto sina Julieta Tawidi Gomez at Niezel Velasco sa gawa-gawang kaso ng pagpatay at tangkang pagpatay ng pinagsanib na pwersa ng PNP-NCR at 4th ID noong Hulyo 16 sa Barangay Pansol, Quezon City. Samutsaring mga armas at pasabog ang itinanim sa tinutuluyan nilang bahay.

Si Gomez ay isang Manobo mula sa San Luis, Agusan del Sur na kagawad ng konseho ng Kahugpungan sa mga Lumadnong Organisasyon sa Caraga. Si Velasco naman ay koordineytor ng Bread for Emergency and Development, isang institusyon na aktibo sa pagbibigay ng ayuda at tulong sa mga biktima ng sakuna sa Caraga.

2 magniniyog sa Surigao del Norte, pinatay ng 30th IB