Ang Bayan online interview with CPP Chief Information Officer Marco Valbuena

20210726_tete a tete_no date
20210727_MV_01
20210727_MV_02
20210727_MV_03
20210727_MV_04
20210727_MV_05
20210727_MV_06
20210727_MV_07
20210727_MV_08
20210727_MV_09
20210727_MV_10
20210727_MV_11
20210727_MV_12
20210727_MV_13
20210727_MV_14
20210727_MV_15
20210727_MV_16
20210727_MV_17
20210727_MV_18
20210727_MV_19
20210727_MV_20
20210727_MV_21
20210727_MV_22
20210727_MV_23
20210727_MV_24
20210727_MV_25
20210727_MV_26
20210727_MV_27
20210727_MV_28
20210727_MV_29
20210727_MV_30
20210727_MV_31
20210727_MV_32
20210727_MV_33
20210727_MV_34

Download here: Text | Images

Ang Bayan (AB): Ano ang reaksyon mo sa katatapos na SONA ni Duterte?

Marco Valbuena (MV): Mukhang bangag na naman sa droga si Duterte na humarap sa kongreso dahil tila nasa ibang mundo ang utak niya. Para siyang out of touch sa reyalidad. kaliwa’t kanan ang mga kasinungalingan, mula sa trapik hanggang sa ABS-CBN, sa akala mo’y walang mali o pagkukulang sa pagharap sa pandemya at sa paglalarawan niyang tinatalo na niya ang rebolusyonaryong kilusan.

AB: Sabi ni Duterte, 17,000 na NPA na daw ang nagsurender? totoo ba ito?

MV: Dambuhalang kasinungalingan ang sinasabing 17,000 na nagsurender na NPA. sinong maniniwala dito samantalang ilang ulit itong mas malaki sa 4,000 to 5,000 na dami daw ng NPA na mahigit sampung taon nang inuulit-ulit ng AFP. taliwas din ito sa sinabi kamakailan ni Gen. Esperon ng NTF-ELCAC na dumadami ang NPA at noong Hunyo daw ay 4,000 na, mula sa 3,700 noong katapusan ng 2020.

Ang totoo, malaking mayorya sa mga “nagsurender” ay karaniwang mga magsasaka na kundi niloko na pumila sa pamimigay ng bigas, ay tinutukan, tinakot at pilit na pinapirma. Kaliwa’t kanan ang reports na nakukuha natin ng pagrereklamo ng masa na ang attendance sheet sa meeting ay naging listahan ng mga “sumurender”. Sa Palawan, mismong mayor pa ang nagreklamo, dahil napahiya siya na mga kakilala niya sa palengke mismo ang pinapila ng pulis na mag-“surender.” sa masbate naman, nabuko ang letrato ng AFP na na-photoshop mula sa lumang mga larawan.

AB: Sa NCR, mayroon din ipinaradang mga nagsurender.

MV: Oo nga. Hindi makapaniwala ang mga tao na NPA iyon. Nabalitaan namin na mga drayber daw iyon ng truck at mukhang mga rider ng motor na dinala doon ng PNP sa kanilang kampo at biglang naisama sa seremonya.

AB: Ano ba ang nasa likod ng “surrender” drive na ito ng AFP?

MV: Paulit-ulit lang naman iyang “surrender drive” ng AFP. Panahon ni Marcos, ginawa na nila yan. Paborito ito ng AFP kasi malaking pera ang nakukuha nila diyan. Bahagi ito ng matagal nang iskema ng korapsyon na sangkot ang bilyun-bilyong piso sa “balik-baril” at mga diumano’y programang livelihood at pabahay, bukod pa sa mga reward money sa sinasabing napatay na NPA. Maraming heneral ang yumayaman dito.

AB: Sinabi rin ni Duterte na 15 guerrilla fronts na daw ang nabuwag. Ano ang masasabi mo?

MV: Matapos ang limang taon, ito lang ang nagawa nila? Napakalayo naman nito sa kabuuang bilang na humigit-kumulang 110 na larangang gerilya ng NPA.

Kailangan intindihin ng mga nakikinig na isang fluid war ang pakikidigmang gerilya. Depende sa kalagayang militar o sa mga plano nito, maaaring pansamantalang iwan ng NPA ang isang lugar at lumipat para magpalawak at bumuo ng bagong mga larangan, habang sa iiwan ay nakatayo ang mga sangay ng Partido, mga organisasyong masa, mga milisya at organo ng kapangyarihang pampulitika. Kabulastugan na ang ganoong paglilipat-lipat ng NPA ay bibilangin ng AFP na tagumpay.

AB: Sabi ni Duterte sa SONA kahapon, patunay daw itong dami ng nagsurender at mga nabuwag na guerrilla fronts sa paghina ng NPA.

MV: Kabaligtaran nga. Ang mga kasinungalingan at kabulastugang ito ni Duterte ang patunay na bigo ang kanyang tiranikong rehimen sa deklarasyon nilang dudurugin ang CPP/NPA. Kagagawan na rin ng madudugong krimen at pagpapahirap ni Duterte sa bayan na natutulak ang mga masang anakpawis at petiburgesya, laluna mga kabataan, na magdesisyon na sumapi sa NPA.

Siyempre, sa harap ng madugo at maruming gera ng AFP, malaking sakripisyo ang ginagawa upang panatilihing mahigpit ang pagkakaisa ng masa at ng NPA. Alam ng masa na kung walang NPA, walang magtatanggol sa kanila sa pang-aabuso ng mga armadong galamay ng estado. At kung wala naman ang suporta ng masa, hindi magtatagal ang NPA. The fact na nakapagpapanatili at nakapagpapalawak ang NPA ay patunay na bigo si Duterte na pigtasin ang milyong hibla na nagdudugtong sa masa at sa kanilang hukbong bayan.

AB: Sa kanyang SONA, sabi ni Duterte, nakumbinse daw niya ang NPA sa Mindanao noon na huwag sa loob ng Davao City mag-operate. Totoo ba ito?

MV: Ilusyon yan ni Duterte. Totoong nirequest niya yan sa NPA, pero hindi naman siya pinagbigyan. Kailanman, hindi nawala ang NPA sa loob ng Davao City kahit noong mayor diyan si Duterte. Ang yunit noon ni Kumander Parago ay pirmeng nasa loob ng Paquibato District, at nakabase sa mga bulubunduking lugar sa paligid o gitna ng mga banana plantation. Ang totoo, payo noon ni Duterte noon sa mga negosyante sa Davao City na magbayad na lang ng revolutionary taxes sa NPA para walang disruption sa kanilang operations.

AB: Pinuri ni Duterte ang NTF-ELCAC at sinabi ina-address na daw ang roots of the armed conflict? totoo ba ito?

MV: Siguradong ang tinutukoy dito ni Duterte ay ang Barangay Development Program ng NTF-ELCAC, ito iyong ₱16.4 bilyon na pork barrel nila Gen. Lorenzana, Esperon at Año, para diumano sa mga kalsada, eskewelahan at health clinics. kahit wala pa namang nagagawa, pinalalabas niyang maganda kasi gusto pa niyang palakihin ng halos tatlong ulit ang badyet na ito, lalo’t palapit na ang eleksyon. Kung pagbigyan ng kongreso ang NTF-ELCAC, hahawakan nito ang ₱44 bilyon sa 2022, para sa mga pekeng “cleared barangay.”

Napakalalaking estupido nila Duterte at ng kanyang mga heneral na sabihing ang kakulangan ng kalsada ang ugat ng armadong tunggalian. Kawalan ng lupa, hindi ng kalsada, ang tunay na pinagmumulan ng problema ng hirap at gutom ng masa na siyang nagtutulak sa kanila ng mag-armas at lumaban. Dahil walang lupa, ang bunga ng pagod at pawis ng milyun-milyong masang magsasaka ay kinakamkam ng mga asendero at kapitalistang may-ari ng plantasyon. Si Duterte na rin mismo ang nagsabi, “hindi niyo na kailangan ng NPA dahil ako na ang magbibigay ng lupa,” pero pambobola lang iyon sa masa dahil hindi naman niya ipinatupad.

AB: Sabi ni Duterte, “rotten and corrupt” daw ang ideology at mga lider ng CPP?

MV: Kung mangurakot at magpayaman lang ang gusto, eh di sana hindi sila sumapi sa CPP at sumama na lang sila kay Duterte at sa gubyernong inamin na rin niyang endemic o likas ang corruption.

Di tulad ni Duterte, sa CPP, walang limpak-limpak na personal na kayamanan ang mga lider at kasapi. Magkano daw ang relo ni Duterte? 300,000? ipinagmayabang pa niya. Eh ang mga relo ng mga kadre, kulang ng tatlong zero, bigay pa. Sa pag-uwi-uwi sa Davao, hilig ni Duterte sumakay sa kanyang jet na pera ng taumbayan ang ipinambili para daw sa modernization ng AFP.

Ang ideolohiya ng CPP ang gabay ng mga kadre at kasapi nito na nagtuturo sa kanila ng pagsakripisyo ng pansariling interes, pagpapakumbaba o humility sa masa, pagtaguyod sa siyentipikong katotohanan batay sa kongkretong pagsusuri at pagpupunyagi na baguhin ang mundo.

Ano pa ba ang mas bulok kay Duterte at sa kanyang pasistang ideolohiya? ang paglapastangan niya sa buhay ng inosente? ang paghikayat niya sa pag-rape at karahasan laban sa kababaihan? ang hindi maibsan na pagkauhaw niya sa dugo? ang utak niyang “kill, kill, kill”? ang pag-utos at pag-reward niya sa mga sundalo at pulis na pumatay? ano pa ang mas karimarimarim sa kanyang kampanya niya ng mass murder sa nagdaang limang taon na humigit-kumulang 30,000 na ang pinatay?

AB: Kung susumahin, paano mo gagraduhan ang huling SONA ni Duterte?

MV: Kung gradong 100 ang pinakamataas, masasabi kong 101 ang huling SONA ni Duterte sa usapin ng pagsisinungaling at pambabaluktot sa katotohanan.

Walang duda, 100 si Duterte sa pagiging uhaw-sa-dugong mamamatay-tao, diktador at traydor sa bayan. Pero mabaho pa sa bugok na itlog ang score niya sa usapin ng agrikultura, industriya, trabaho at kabuhayan ng masa, sa usapin ng demokrasya, at sa pagtatanggol ng kalayaan at patrimonya ng bansa.

AB: Ano ang masasabi mo tungkol sa inilunsad na mass protest actions kahapon sa kalsada?

MV: Binabati ko ang libu-libong nagrali kahapon, na sa kabila ng panggigipit ng pulis, pangamba sa Covid-19 at masamang panahon, ay nakapagtipon at nakapagbigay ng boses sa sambayanang Pilipino. Importante talaga na maihayag ang tunay na hirap at aping kalagayan ng bayan. Dapat makipag-agawan ng mikropono kay Duterte at pasubalian ang kasinungalingan at bulok na ideya na araw-araw niyang idinidikdik sa isip ng mga tao.

AB: Batay sa SONA kahapon, ano pa kaya ang aasahan sa nalalabing sampung buwan ni Duterte sa poder?

MV: May tatlong tampok na bagay akong nakikita: una, ang lalong pagtindi pa ng mga pamamaslang at pag-atake sa mga demokratikong karapatan. Kailangan niyang itaas pa ang antas ng takot ng bayan para sa kanyang planong pagkapit sa poder.

Ikalawa, sa pulitika, walang katapusang pagmamaniobra at pambabalya ni Duterte para sa eleksyon sa Mayo 2022. Tiyak na masasaksihan natin ang isa pinakamaruming pulitika sa reaksyunaryong eleksyon at unprecedented levels ng pakikialam ng mga dayuhan.

Ikatlo, sa ekonomya, pagpataw ng dagdag na buwis para bayaran ng bayan ang napakalaking inutang na pera ni Duterte, at lalo pang pagbubukas sa ekonomya sa desperasyong akitin ang dayong kapital sa gitna ng krisis at slowdown ng pandaigdigang sistemang kapitalista.

AB: Ano ang nakikita ninyong prospects sa eleksyon sa 2022?

MV: Ang eleksyong 2022 ay magiging mayor na battleground sa pakikibaka para wakasan ang paghahari ng tiraniya ni Duterte. Sa deklaradong balak ni Duterte na tumakbong vice-president kasama ang kanyang anak na babae na si Sara Duterte bilang presidente ay malinaw na indikasyon na planong gamitin ni Duterte ang eleksyon para lalong sementuhin sa Malacañang ang kanilang pampulitikang dinastiya. Nasa bentahe ang mga Duterte dahil hawak nila ang estado poder at lahat ng rekurso nito. Dala ng takot, marami ang naoobliga na sumakay na lang kay Duterte. Kontrolado rin ni Duterte ang makinarya para sa pandaraya, kabilang ang smartmatic na napabalita noon na binili ng kanyang alipures na si Dennis Uy.

Hamon sa lahat ng pwersang anti-tiraniya, mula sa pampulitikang oposisyon hanggang sa mga pwersang patriyotiko at demokratiko, na magkaisa para epektibong makipagbuno sa mga Duterte sa eleksyon. Malaki ang kanilang disbentahe laluna sa usapin ng rekurso. Magkakaroon lang sila ng tsansa sa eleksyon kung matitipon nila ang kanilang pwersa at mapakikilos ang malaking bilang ng mamamayan para biguin ang pandaraya ni Duterte sa eleksyon.

AB: Ano ang magiging patakaran ng Partido?

MV: Para sa Partido, ang reaksyunaryong eleksyong 2022 ay hindi naiiba sa lahat ng nagdaang eleksyon. Sa esensya, ito ay paligsahan sa pagitan ng magkakaribal na pangkatin ng mga naghaharing uri para piliin kung alin sa kanila ang mamumuno sa neokolonyal na estado.

Gaya sa nakaraan, the CPP will not participate in the 2022 elections. Bilang co-belligerent sa kasalukuyang civil war sa Pilipinas, hindi papayag ang Partido na pumailalim ito sa mga batas ng reaksyunaryong konstitusyon. Hindi naniniwala ang Partido na walang ibinubukas na oportunidad para sa pundamental na pagbabago.

Gayunpaman, dahil isang crucial battleground ang eleksyong 2022 para wakasan ang tiranikong paghahari ni Duterte, hinihikayat ng CPP ang lahat ng political opposition, mga legal democratic forces at lahat ng pwersang anti-Duterte na magkaisa. Sa ganitong bagay, mahalaga ang pagsisikap ng 1Sambayan at iba’t ibang grupo na magkonsultahan at makabuo ng iisang ticket na lalaban sa dinastiyang Duterte. Inaasahan natin na magagawa nila ito. Noong 1986, dahil sa iskema ni Marcos na dayain ang eleksyon at palawigin ang kanyang poder, na-compel ang political opposition noon na magkaisa. Sa harap ng iskema ni Duterte sa eleksyong 2022, hinihikayat ng Partido ang iba’t ibang grupong bumubuo ng political opposition, pati na rin ang mga disgruntled allies ni Duterte, na itabi muna ang kanilang mga pansariling interes at magkaisa para makabuo sila ng iisang ticket.

AB: Ano ang masasabi mo sa nangyari sa PDP-Laban na pag-ease out kina Pimentel at Pacquiao?

MV: Malaking kabalintunaan ang nangyari sa PDP-Laban na partidong umusbong sa paglaban sa diktadurang Marcos, ngayon ay ginagamit na instrumento ng tiraniya ni Duterte para sementuhin ang kanyang diktadura. Maiiintidihan natin kung hindi basta isusuko ni Sen. Koko Pimentel, kaisa ni Sen. Manny Pacquiao, ang kasaysayan at tradisyon ng kanilang partido. Malaking serbisyo sa taumbayan kung maninindigan si Pimentel at Pacquiao at gagawin nila ang lahat para ilantad ang kabuktutan at korapsyon ni Duterte. Tiyak na papalakpakan ng sambayanan kung itutuloy niya ang planong paglalantad ng malalaking kaso ng korapsyon at hindi hihinto na makipagbakbakan kay Duterte.

AB: Ano ang masasabi mo sa pagdeklara ni Lacson-Sotto na sila ay tatakbo?

MV: Peke ang sinasabi ni Lacson-Sotto na “neutral” sila, na hindi sila maka-Duterte at hindi rin maka-oposisyon. Ang totoo, 99.99% clone sila ni Duterte. Walang mayor na patakaran si Duterte na kinontra nila. Walang makakalimot na si Lacson ang nag-sponsor ng Anti-Terrorism Law ni Duterte. Sila ang pinakamalaking enabler ni Duterte. At sa pagdeklara nilang tatakbo sa eleksyong 2022 at pag-project na sila ay “neutral”, ina-undermine nila ang pagsisikap na buuin ang lahat ng pwersang oposisyon sa iisang ticket laban kay Duterte. Walang ihahatid na mabuti sa taumbayan ang tambalang “torturer-rapist” na si Lacson-Sotto.

AB: May comment ka ba sa declaration ni sen delima na tatakbo sya uli?

MV: Sa lahat ng mga karibal ng tiranong si Duterte, si Sen. De Lima ang kilala sa isa sa pinakamatapang na kumokontra sa mga paglapastangan sa karapatang-tao. Dahil dito, malamang isa rin siya sa pangunahing tatargetin ni Duterte sa pandaraya para hindi na makabalik sa Senado.

AB: Given that the Duterte government has designated the NDFP as “terrorists,” what are the prospects for peace talks in a post-Duterte government? Posible pa ba ang peacetalks sa loob ng nalalabing 10 buwan ni Duterte?

MV: Sa ikalawang tanong, sa ipinapakita ni Duterte, 100% wala nang tsansa ang peace talks sa ilalim ni Duterte. Mababago lang siguro ito kung magkakaroon ng malaking pagbabago sa political at war situation, at hihingi siya ng timeout para i-secure ang sarili sa poder. This is, however, unlikely, in the coming ten months.

Sa unang taong, depende ito siyempre sa magiging attitude ng susunod na gubyerno sa usapin ng peace negotiations. Kung magiging bukas ang bagong gubyerno na makipag-usapang pangkapayapaan, kailangan lang nilang kumatok at laging nakahanda ang NDFP na makipag-usap. Siyempre, obligado sila na ibasura ang “terrorist designation” sa NDFP, dahil kundi, lalabas na nakikipagnegosasyon sila sa “terorista.”

Para paluwagin ang daan para sa usapang pangkapayapaan, pinamakainam na ibasura ng susunod na rehimen ang Anti-Terrorism Law, iwaksi ang militaristang balangkas ng pagharap sa armadong tunggalian, at buwagin ang NTF-ELCAC.

Kung muling matuloy ang pag-uusap, aasahan ng NDFP na pagtitibayin ang dating nang mga kasunduan at susulong na sa mga paksa ng socio-economic reforms at political and constitutional reforms. Magiging historical achievement ng susunod na rehimen kung mapipirmahan ng NDFP at GRP ang isa sa mga kasunduang ito.

AB: Ano ang basa ng CPP sa galaw ng AFP sa elections?

MV: Taliwas sa sinasabi ng reaksyunaryong konstitusyon, aktibong nakikialam ang AFP sa eleksyon, sa iba’t ibang antas. Sa national level, hindi nila tinatago na nagkakampanya sila laban sa grupong Makabayan na matagal na nilang pinag-iinitan. Sa local levels, nagkakampanya rin sila laban sa mga pulitiko na sinasabi nilang may links sa CPP/NPA. Laluna sa local, ginagamit ng AFP at NTF-ELCAC ang kanilang dambuhalang badyet para impluwensyahan o diktahan ang eleksyon.

AB: Nabanggit mo kanina ang unprecedented foreign intervention sa darating na eleksyon. Ano ang ibig sabihin nito?

MV: Sa harap ng tumitinding imperialist rivalry sa pagitan ng US at China, tiyak na nakatutok sila sa eleksyon sa Pilipinas, at tiyak gagamitin ang kanilang impluwensya para suportahan ang kanilang manok. Nilantad kamakailan ni dating Sec. _ na ipinagmalaki sa kanya ng isang upisyal ng China na sumuporta sila noong 2016 sa pagkandidato ni Duterte. Hindi malayong ulitin ito sa 2022 matapos ng ipinakitang loyalty sa kanila. Ang US naman, malamang na hindi tuluyang tatalikdan si Duterte pero magbibigay ng mas malaking tulak sa mga pwersang anti-Duterte.

AB: Makakamit kaya ang panawagan na “Wakasan Na” ang paghahari ni Duterte bago mag-eleksyon?

MV: Sa pagkakapit-tuko ni Duterte, nililikha niya ang isang political situation na pwede pa ring sumiklab sa krisis anumang oras. Dapat handa ang taumbayan na sunggaban ang pagkakataon bago o kaya pagkatapos ng eleksyong 2022.

Dapat bantayan ang sumusunod: ang biglang paglala ng krisis sa ekonomya at malawakang tanggalan sa trabaho; ang lalong paglala ng pandemya at kawalang kakayahan ng rehimeng Duterte na harapin ito; at ang pagbaling ni Duterte sa madudugong pamamaraan ng pagsupil sa taumbayan.

Ang kumbinasyon ng mga salik na ito ay maaaring magpapahit ng sitwasyon. Dahil sa yabang at pagkalasing ni Duterte sa kapangyarihan, maaari niyang ma-miscalculate ang hangganan ng kanyang kapangyarihan, loyalty ng militar at kanyang mga alipures, tatag ng kanyang alyansa at sidhi ng galit ng masa.

Ang pandaraya ni Duterte sa eleksyon ang pinakamalamang na makapagpapasiklab ng malawak na paglaban at pag-aalsa. Umaasa siya na makakalusot dahil sa automated elections pero hindi imposible na may ilang sangkot na hindi kayang maatim ang pandaraya, tulad ng mga tauhan ng Comelec na nagwalk-out noong 1986 dahil sa garapalang pandaraya ni Marcos.

AB: Ano ang dapat gawin ng mamamayan sa harap ng ganitong ng sitwasyon?

MV: Ang importante ay nasa position at handa ang mga demokratikong pwersa sa anumang pihit ng sitwasyon at may kakayahan na mahusay na tipunin ang galit at pakilusin ang mamamayan. Higit sa lahat dapat mayroon silang organized muscle.

Ibig sabihin, dapat mapalakas pa ang mga unyon, organisasyon at mga grupo ng mga batayang sektor, at patuloy na ipaglaban ang interes at mga karapatan ng masa. Dapat walang kapagurang propaganda at education work sa kanilang hanay.

Siyempre, dahil nalalapit na ang eleksyon, at todo-todo na ang pagkakampanya ng mga tumatakbo, kauna-unawa na ang pansin ng masa ay mahihila sa kampanya at mga pangako ng mga kakandidato. Marami rin ang umaasa na mapapalitan si Duterte sa pamamagitan ng pagboto.

Pero kahit pa nakatuon sila sa eleksyon, ang mahalaga, hindi nahihiwalay ang mga demokratikong pwersa sa masa at handa silang pamunuan ang paglaban ng masa, matuloy man ang eleksyon o biglang pumihit ang sitwasyon.

AB: Sabi ni Duterte, hindi siya magko-cooperate sa ICC sa investigation nito sa crimes against humanity sa kaso ng drug war sa Pilipinas. Ano ang masasabi mo dito?

MV: Sinungaling si Duterte sa sinabi niyang “handa akong makulong.” Ang totoo, takot si Duterte na mabulok sa kulungan.

Walang kriminal katulad ni Duterte na boluntaryong nakipagtulungan sa ICC. Hanggat maaari, iiwasan nila ito sa takot na mapanagot sa kanilang mga krimen.

Kung hindi man magawa ng ICC o ng anumang lokal na korte na saklawin ng kanilang awtoridad si Duterte, alalahanin ng taumbayan na pwede nilang idulog at sakdal sa hukumang bayan si Duterte. Sisikapin ng rebolusyonaryong kilusan na ipailalim si Duterte sa kapangyarihan nito pagdating ng panahon para litisin, papanagutin at parusahan sa kanyang mga krimen.

AB: Kumusta ang rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng limang taon ni Duterte? Sakaling magtagumpay si Duterte na makapanatili sa pwesto, ano ang kahahantungan ng armadong rebolusyon?

MV: Patuloy na nakapagpunyagi at nakapagpapalakas ang rebolusyonaryong kilusan sa kabila ng all-out war at attacks ng pasistang rehimen ni Duterte. Mayroong mga inindang losses sa ilang bahagi ng NPA na hindi kaagad naka-adjust sa pinatinding gera ni Duterte, paggamit ng bagong mga armas, partikular ang aerial bombs at rockets at sandamukal na artillery shells.

Overall, naka-adjust ang mga yunit ng NPA at nakapokus ito sa ibayong pagpapalakas ng mass base support sa pamamagitan ng pagtulong sa masang magsasaka sa pagsulong ng kanilang agrarian revolutionary struggles, pagpapalakas ng kanilang mga organisasyong masa at paglulunsad ng mga tactical offensives para ipagtanggol ang masa at paduguin sa libong sugat ang pasistang halimaw na si Duterte.

Ang pagkakapit-tuko ni Duterte lagpas sa 2022 ay tiyak na lilikha ng mas mainam na sitwasyon para sa rebolusyonaryong kilusan dahil lalo nitong ipakikita sa taumbayan na hindi makakamit ang inaasam nilang pagbabago sa pamamagitan ng reaksyunaryong eleksyon. Kung magtagumpay si Duterte, hindi malayong maganap ang isa sa pinakamabilis na paglawak ng NPA sa nagdaang mga panahon.

Ang Bayan online interview with CPP Chief Information Officer Marco Valbuena