Kalatas July 2021 | Editoryal: Puspusang makibaka upang ibagsak ang mamamatay-tao, tiraniko at traydor na rehimeng Duterte
Si Rodrigo Roa Duterte ang pangunahing kinatawan ng interes ng mga naghaharing-uri sa lipunang Pilipino na pagsamantalahan at apihin ang mamamayang Pilipino. Ang mahaba at humahaba pang listahan ng mga krimen at pananagutan ni Duterte sa mamamayan ay patunay ng kanyang pagiging anti-mamamayan, makadayuhan at anti-demokratiko.
Mula nang maupo si Duterte noong 2016, puro buladas ang kanyang pangakong panlipunang pagbabago sa sambayanan. Higit na pagdurusa at malawakang kahirapan lamang ang idinulot ng pasistang paghahari ng rehimen. Walang kaparis ang kanyang pagiging pasista, korap at traydor. Tanda ng patuloy na pagkabulok ng lipunang malakolonyal at malapyudal angkanyangtiranikongpaghaharina higit na nagpasahol sa kalagayan ng mamamayang Pilipino.
Imbes na tugunan ang krisis na nararanasan ng mamamayan, pasismo ang kanyang tugon at ipinatupad para tapatan ang panawagan at kahingian para sa tunay na
pagbabagong panlipunan. Sinabi ni Duterte na nagtagumpay ang kanyang gera kontra-iligal na droga subalit mga mahihirap ang pangunahing tinarget ng gerang ito na pumatay sa tinatayang 27,000 hanggang 30,000 indibidwal mula pa noong 2016. Sa pag-uudyok ni Duterte naging palasak ang senaryong ‘nanlaban’ ang mga biktima upang maipatupad lamang ng Philippine National Police(PNP)at mga grupong vigilante na ala-Davao Death Squad na pagpatay. Samantala, walang napanagot na malalaking sindikato ng droga sa bansa. Ginamit ni Duterte ang gera kontra sa iligal na droga para solohin at pagharian ng kanyang pamilya at mga kasapakat ang operasyon ng malalaking drug syndicate sa bansa at mga kasosyong nasa Chinese drug syndicate o Chinese Triad.
Kasinungalingan naman ang ipinangangalandakan ni Duterte na ginagalang niya ang karapatang tao. Sa pamamagitan naman ng kanyang dating DSSP Kapayapaan at ngayo’y JCP Kapanatagan, naglunsad ito ng gerang “kontra-terorismo”. Ipinalasap ng rehimeng Duterte ang lupit ng kanyang todo-gera laban sa nakikibakang mamamayan na ang pangunahing tinatarget ay mga sibilyan na tinatakang may kaugnayan sa armadong kilusan ng CPP-NPA at Bangsamoro, mga kritiko at oposisyunista. Ayon sa pinakahuling ulat, umaabot na sa 1,018,508 indibidwal ang naidokumentong mga biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang-tao mula noong maupo si Duterte noong Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2020. Walang pakundangang iniutos nito ang pagdurog sa Marawi City at pagbomba sa pamayanan ng mga Lumad sa Mindanao. Naging talamak ang maramihang pagpatay, sapilitan at maramihang ebakwasyon, iligal na pang-aaresto, sapilitang pagpapasuko at walang habas na pambobomba sa ilalim ng kanyang paghahari.
Sa Timog Katagalugan, isa sa pinakakarumaldumal na krimen ng rehimen ang naganap na ‘Bloody Sunday’ noong Marso 7 na sabayang kumitil sa siyam na aktibista sa paraang Synchronized Enhanced Management of Police Operations. Hindi naglubay bagkus tumindi pa ang ginagawang paglabag ng AFP-PNP sa karapatan ng mamamayan sa ilalim ng kumpas at proteksyon ni Duterte sa pamamagitan ng Anti-Terror Law at anti-komunistang NTF-ELCAC. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamit ang hustisya para sa mga biktima habang lumalala pa ang kultura ng impyunidad sa bansa.
Sa ilalim din ng paghahari ni Duterte, walang naganap na anumang makabuluhang pag-unlad sa kabuhayan ng mamamayan. Pinasahol lamang niya ang pagpapatupad ng neoliberalismo sa bansa. Walang ipinatupad na repormang agraryo at lalo lamang naghirap ang milyun-milyong magsasaka dahil sa mga ipinatupad na anti-mamamayang patakaran. Aabot sa P75- 90 bilyon ang nalugi sa mga magsasaka sa palayan dahil sa pagbagsak ng presyo ng palay dulot ng pagdagsa ng imported na bigas sa bansa dahil sa Rice Tariffication Law. Samantala, inangkin nito ang coco levy fund sa mga magniniyog sa pamamagitan ng Coco Farmers and Industry Trust Fund Act.
Higit na pasakit naman sa mamamayan ang idinulot ng TRAIN Law at CREATE Law ni Duterte na naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin habang milyun-milyong trabaho ang minasaker ng rehimen. Sa kasagsagan ng pandemyang COVID-19 noong 2020, umabot sa 9.6 milyon manggagawang Pilipino ang nawalan at nabawasan ng trabaho. Umabot pa ito sa 10.5 milyon pagsapit ng Enero 2021. Apektado rin ang mahigit sa 1.6 milyong overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho noon pang nakaraang taon dahil sa pandemya at napilitang bumalik sa bansa kahit na ayaw nila.
Habang naghihirap ang mamamayang Pilipino, labis-labis naman ang pangungutang ni Duterte hindi para tugunan ang pangangailangan nila kundi para sa kanyang programang Build, Build, Build. Ilan sa mga kontrobersyal na inutang ng rehimen ay ang P12.2 bilyong Kaliwa Dam Project at ang North-South Railway Project. Sa kasalukuyan, aabot pa lang sa 11 proyekto ng tinakdang 100 flagship projects ni Duterte ang natatapos na pawang hindi rin mapapakinabangan ng mamamayan at babayaran pa nila ng malaki.
Sa loob lamang ng limang taon, halos dumoble ang pampublikong utang ng Pilipinas mula P5.9 trilyon tungong P11.1 trilyon ngayong Hunyo 2021. Kalakhan dito’y hindi napakinabangan ng mamamayan at tiyak na napunta lamang sa korapsyon at bulsa ng pamilyang Duterte’t mga kroni.
Sa katunayan, walang kredibilidad ang kampanyang kontra-korapsyon ni Duterte dahil siya mismo ang pinakakorap. Ilan sa mga kwestyunableng pondong hawak mismo ni Duterte para sa operasyong paniktik ng Office of the President ay ang P250 milyon noong 2016 na tumaas nang siyam na beses tungong P2.25 bilyong sikretong badyet. Personal din niyang hinawakan ang P587 bilyong pondong para sa pagtugon sa pandemya. Malaking bahagi ng pondong ito ang hindi na ipinamahagi. Kailanman walang napanagot ang rehimen na mga upisyal na sangkot sa korapsyon na kalakha’y masusugid na alipores at tagasunod ni Duterte. Nagdudumilat ang pagiging peke ng kampanyang kontra-korapsyon ni Duterte. Walang kahihiyang ipinagtatanggol at inabswelto ni Duterte ang kriminal na kapabayaan ni DOH Secretary Duque at korapsyon sa DOH at iba pang ahensya ng gubyerno sa pagharap sa pandemya.
Hindi lamang korap, taksil din si Duterte sa bayan. Nananatiling sagad-sa-buto ang kanyang pagiging traydor sa pagsasantabi at pagbabalewala sa tagumpay ng bansa sa Permanent Court of Arbitration ng United Nations Convention on the Law of the Sea upang maitaguyod lamang niya ang interes ng China sa mga teritoryo at karagatang saklaw ng Pilipinas sa exclusive economic zone nito sa West Philippine Sea. Kapalit ng pondo at pangakong ayuda’t pamumuhunan ng China, isinuko ni Duterte ang soberanya at teritoryo ng Pilipinas sa WPS at ipinagkanulo ang pambansang interes ng bansa.
Namamangka sa dalawang ilog si Duterte sa pagyukod sa imperyalistang China habang nananatiling nakatali siya sa imperyalismong US. Tuso niyang ginagamit ang kasunduan sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa US upang kumuha ng papalaking ayudang militar sa gubyernong Biden at suhayan ang kanyang kontra-rebolusyonaryong gera laban sa mamamayang Pilipino. Buladas lamang ang kanyang pahayag at mga palabas na pagpapawalambisa sa VFA. Sa katunayan, higit pang pinagtibay ng rehimen ang nilalaman ng VFA matapos ang pagbisita ni US Defense Secretary Lloyd Austin III sa bansa. Nananatiling isang masunuring tuta si Duterte sa US at tiyak na hindi ito magbabago kahit na nakikipagmabutihan pa sya sa China.
Minsan pang ipiniprisinta ni Duterte ang sarili sa imperyalismong US bilang pinakamatapat at maaasahang papet upang makapanatili sa kapangyarihan lampas sa 2022. Nagsisinungaling si Duterte na tutol siya sa pagkandidato bilang presidente ng kanyang anak na si Sara Duterte habang pailalim na itinutulak niya ang kandidatura nito. Samantala, hinahawan ni Duterte ang pagluklok kay Senador Bong Go bilang reserbang baraha’t isang tau-tauhang presidente na katambal niya sa PDP-Laban ticket para sa eleksyon sa Mayo 2022. Walang kahihiyan at tusong ginagamit nya ang makinarya ng reaksyunaryong estado upang manipulahin at dayain ang resulta ng eleksyon. Nakapwesto sa COMELEC ang kanyang matatapat na tagasunod habang nakopo naman ng Smartmatic na kontrolado ng kroning si Dennis Uy ang kontrata para sa de-kompyuter na pagbilang ng boto.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang kriminal na pagpapabaya ni Duterte sa kinakaharap na krisis pangkalusugan at panlipunang dulot ng pandemyang COVID-19. Nagpapatuloy ang palpak, pabaya at inutil na pagtugon ng rehimen sa pagharap sa pandemyang COVID-19 na nagresulta sa pagkakasakit ng mahigit sa 1.6 milyong Pilipino at kumitil sa mahigit sa 27,000 Pilipino.
Kasinungalingan ang itinatambol ng rehimen na nangunguna umano ang Pilipinas sa pandemic response sa Timog Silangang Asya. Sa katunayan, pinupuna ng UN at WHO ang kamay-na-bakal na pagharap sa pandemya sa ipinatutupad na militaristang lockdown sa halip na sa paraang medikal at siyentipiko. Di na nga masawata ang pagdami ng kaso ng COVID-19, ibayo pang sumahol ang paghihikahos ng sambayanan kasabay ng pagdami ng kaso ng paglabag sa karapatang tao sa bansa. Walang ginawang mass testing, malawakan at agresibong contact tracing at epektibong isolation and medication. Labis na iniasa ni Duterte sa bakuna ang paglaban sa nakamamatay na sakit na kalauna’y mahuhuli rin. Sa kasalukuyan, malayung-malayo pa ang rehimen sa tinatarget na 70 milyong mabakunahang Pilipino para makamit ang herd immunity sa bansa. Bukod dito, nananatiling walang sapat na ayuda ang mamamayan sa gitna ng pandemya at hindi pa rin natatanggap ng mga manggagawang pangkalusugan ang kanilang alawans, hazard pay at iba pang benepisyo.
Kung susumahin, walang makabuluhang pagbabagong nakamit ang mamamayan sa ilalim ng paghahari ni Duterte. Higit lamang na sumahol ang kanilang kalagayan. Kaya’t marapat lamang, sa nalalapit na pagtatapos ng pasistang paghahari ni Duterte, higit na magpursige ang mamamayan na kagyat na pabagsakin ang kanyang rehimen habang hindi pa siya bumababa sa kapangyarihan. Dapat siyang singilin at papanagutin sa kanyang mga krimen sa bayan. Kasama ang kanyang mga masugid na alagad at alipores at ang berdugong AFP-PNP, dapat silang isakdal para sa kanilang mga kasalanan at madugong rekord sa mamamayan.
Upang ganap na maibagsak ang rehimeng Duterte, kailangang malawakan at puspusang maihiwalay siya bilang pangunahing nakikinabang sa burukrasya at pinakamasugid na tagapagtanggol ng naghaharing sistema ng malalaking kumprador at panginoong maylupa at papet ng imperyalismong US at China. Kailangang ilunsad ang malawak at masinsing pakikibakang masa sa kalunsuran at kanayunan at maisustine ang mga protestang masa sa lahat ng syudad, munisipalidad, komunidad, paaralan, pagawaan at mga tanggapan na nananawagan hanggang sa pagpapatalsik kay Duterte sa Malacañang kahit sa gitna ng pandemyang COVID-19.
Samantala, dapat na paigtingin ng Bagong Hukbong Bayan ang armadong pakikibaka sa kanayunan sa pamamagitan ng mas madalas na mga taktikal na opensibang patama sa ulo at katawan ng reaksyunaryong hukbo. Dapat na pakilusin ang mamamayan sa mga pakikibakang antipyudal at rebolusyong agraryo upang tugunan ang kanilang mga karaingan. Ang kumbinasyon ng mga pakikibaka sa kalunsuran at ng malaganap at masinsing pakikidigmang gerilya sa kanayunan ang magpapabilis sa panibagong pagkahinog ng krisis ng naghaharing sistema na lulundo sa tuluyang pagbagsak sa pasistang paghahari ni Duterte.
Kailangang ituon ng mamamayan ang kanilang pakikibaka at pagkilos sa pagpapabagsak sa mismong sistemang malakolonyal at malapyudal na kinakatawan ng rehimeng Duterte sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan. Dapat nilang ubos-kayang isulong at patindihin ang armadong pakikibaka sa buong kapuluan at hakbang-hakbang na itayo ang demokratikong gubyernong bayan na siyang tanging kaayusang tutugon sa pinakamalawak na demokratikong kahilingan at interes ng mamamayan.
Tiyak na sa kalaunan ang pang-aapi at pagsasamantala ng rehimeng Duterte, imperyalismong US, China at lokal na mga naghaharing uri sa bansa ay wawakasan din ng mamamayan. Kailangan lamang na puspusin nila ang kanilang pakikibaka upang kamtin ang matagal na nilang inaasam na mas mahusay na sistemang panlipunang ganap na malaya, makatarungan at masagana.###