INDEKS | October 2021: Salin ng mga piling pahayag ni JMS

,

Inililimbag ng KARED-TK ang INDEKS Tomo 2, Bilang 1, corrected version, na naglalaman ng kompilasyon ng mga piling pahayag at mga talumpati ni Kasamang Jose Maria Sison mula Oktubre 2019 hanggang Abril 2020 hinggil kay Duterte; hinggil sa imperyalismo; hinggil sa peace talks at hinggil sa rebolusyong Pilipino. Lahat ng mga pahayag at talumpati ay malayang salin ng KARED-TK maliban sa dalawang artikulo na Paigtingin ang pakikibaka laban sa rehimeng Duterte, isulong ang kilusang pambansa- demokratiko ng bayan (Disyembre 14, 2019) at Mag-aral ng MKLRP para maging matatag at militante sa pakikibaka: Pagbati sa launching ng ika-4 na edisyon ng MKLRP (Oktubre 12, 2019) at ang buong seksyon ng hinggil sa Peace Talks na upisyal na salin ng PAKED-KAWSA nitong Setyembre 2021 na ipinalit sa salin ng KARED-TK.

Papailalim ito sa anumang upisyal na pagsasaling ilalabas ng Komite Sentral ng Partido, National Democratic Front of the Philippines, PAKED, Pambansang Komisyon sa Propaganda at iba pang pambansang organo ng Partido.

Ang pagsisikap na ito ng KARED-TK sa ilalim ng Komiteng Rehiyon ng Timog Katagalugan ay pagtugon sa panawagan ng pambansang sentro (KTKS) na isalin ang mga makabuluhan at napapanahong mga pahayag at artikulo para patuloy na maitaas ang pampulitikang kamalayan ng Partido, Hukbo at baseng masa; maging sandatang kaalaman sa gawaing pagpukaw at pulitikalisasyon sa malawak na masa ng sambayanan, at paghikayat sa patuloy na pag-aaral sa kalagayan ng lipunan at mga tungkulin ng rebolusyon.

Maliban sa mga salin ng mga piling pahayag ni JMS, gumawa rin ang KARED- TK ng kaukulang mga gabay sa pagtalakay/discussion points (INDEKS Talk) para makatulong sa ating mga propagandista, organisador at mga edukador at mapasigla at mapaunlad pa ang ating mga rebolusyonaryong gawain.

Tatanggap din ang KARED-TK ng mga komento at/o mungkahi sa pagpapaunlad pa ng gawain sa pagsasalin at gayundin sa binalangkas na mga gabay sa pagtalakay. Maraming salamat.

Mula sa Patnugutan ng INDEKS Oktubre 2021

Download here
JMS on Duterte: PDF
JMS on Imperialism: PDF
JMS on Peace Talks: PDF
JMS on Philippine Revolution: PDF

INDEKS | October 2021: Salin ng mga piling pahayag ni JMS