Mga sundalo sa Rizal at Iloilo, binigwasan ng BHB

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Tinambangan ng BHB-Rizal ang tropa ng 80th IB malapit sa kampo militar sa Maugraw, Sityo Quinao, Barangay Puray, Rodriguez, Rizal noong Marso 26. Dalawang sundalo ang napatay habang dalawa ang nasugatan.

Ayon sa lokal na yunit ng BHB, ang ambus ay tugon sa kahingian ng mamamayan na parusahan ang mga sundalo na naghahasik ng terorismo sa prubinsya kabilang ang pinakahuling pag-aresto sa isang katutubong Dumagat noong Marso 23.

Sa Iloilo, winasak ng mga Pulang mandirigma ang 14 na motorsiklong pag-aari ng mga CAFGU at regular na sundalo na naggugwardya sa kumpanyang Century Peak sa Sityo Insobrehan, Barangay Igcabugao, Igbaras noong Marso 21. Notoryus ang kumpanya sa paglabag sa karapatan ng mga manggagawa nito at pagkakait ng sapat na sahod at benepisyo.

Pinasinungalingan ni Ka Ariston Remus, tagapagsalita ng yunit ng BHB, ang pinakakalat ng 3rd ID na pag-aari ng mga sibilyan ang naturang mga motorsiklo.

Mga sundalo sa Rizal at Iloilo, binigwasan ng BHB