Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa BisayaHiligaynon

Kalbaryo ng maralita sa Semana Santa. Inilunsad ng mga grupo ng maralita ang taunang Kalbaryo ng Maralita bilang paggunita sa Semana Santa. Noong Abril 8, naglunsad ng protesta-prusisyon ang Kadamay sa Tatalon, Quezon City. Sa Cebu noong Abril 15, nag-organisa ang Panaghugpong-Kadamay Cebu at Movement Against Carbon Market Privatization ng mga istasyon ng krus na tumatalakay sa isyu ng mamamayan tulad ng pribatisasyon, pagtaas ng singil sa langis, pangangamkam ng lupa at kontraktwalisasyon. Nagkaroon din ng katulad na aktibidad sa Davao City.

Protesta ng mga manggagawa sa Cebu. Nagprotesta ang 293 kontraktwal na manggagawa ng Universal Robina Corporation sa harap ng pagawaan nito sa Tabok, Mandaue City, Cebu noong Abril 13. Ito ay para tutulan ang paglilipat sa kanila mula sa agency na People First Labor Service Cooperative tungong agency na HR Team Asia. Tutol ang mga manggagawa sa paglilipat na ito dahil ituturing sila na mga bagong mga empleyado ng URC at hindi nila matatanggap ang kanilang separation pay.

Embahada ng US, sinugod. Sinugod ng 30 kabataan sa pangunguna ng League of Filipino Students ang embahada ng US sa Roxas Boulevard, Manila noong Abril 8 nang madaling araw para batikusin ang Balikatan 2022 war exercises na idinaos sa Pilipinas noong Marso 28 – Abril 8.

Pagtutol sa proyektong incinerator sa Davao. Nagpiket sa harap ng Sangguniang Panglunsod ng Davao City ang grupong Panalipdan-Youth noong Abril 20 para tutulan ang proyekto na Waste-To-Energy Incineration. Nakatakda itong itayo sa Barangay Biao Escuela, isang komunidad na agrikultural sa loob ng syudad. Ayon sa grupo, magdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga residente ang naturang proyekto.

Mga protesta