Baho ni Duterte, umaalingasaw, tauhan nila ni Bong Go, tumabo sa napakamahal na facemask
Naungkat kahapon sa pagdinig sa Senado ang papel ni Department of Budget Management (DBM) Undersecretary Christopher Lloyd Lao, sinasabing dating utusan ni Bong Go at “boluntir” ni Duterte sa eleksyon, sa pagbili ng napakamamahal o overpriced na mga face shield at face mask. Tinatayang P1 bilyon ang overprice na walang dudang ibinulsa ni Lao at kanyang mga amo.
Naniniwala si Sen. Gordon na naganap ang katiwalian hindi lamang sa overpricing kundi pati sa pagpabor sa ilang mga suplayer. Nakagugulantang, aniya, na ang isng mask ay magkakahalaga ng P27.72 kada isa t tang face shield ng P120 kada isa. yon sa mga dokumento ng Department of Health (DOH), nasa P2-P5 lamang ang presyo ng face mask, at ang face shield ay nagkakahalaga lamang ng P26 hanggang P50. Sa gayon, dapat nasa P569.52 milyon lamang ang kabuuang halaga ng mga face mask na binili ng DoH, at hindi P1.66 bilyon tulad ng iniulat nito sa COA.
Sobra rin ng P100 milyon ang ginamit ng DBM para bumili ng mahigit 1.3 milyong faceshield. Dapat P65.89 milyon lamang ang mga ito, at hindi P158.13 milyon tulad ng iniulat ng DBM sa COA.
Pinuna rin ng Senado ang DoH na idinaan pa sa DBM ang pagbili nito ng P42 bilyon overpriced na face mask at face shield, samantalang mga “ordinaryong gamit” lang ang ito na kaya at dapat ang DoH ang bumili. Pinabulaanan naman ng mga lokal na gubyerno na “ipinamimigay” ng DoH ang sobrang mamahal na mga gamit medikal. Sa halip, ibinebenta ito ng ahensya. Napuna na rin ng COA ang transaksyon na ito dahil sa kawalan ng dokumentasyon.
Ilang araw bago nito, galit na pinatitigil ni Rodrigo Duterte ang paglalabas ng COA ng mga anomalya sa halos lahat ng ahensya ng kanyang burukrasya. Partikular sa DoH, minaliit niyang “bullshit” (tae) ang mga nauungkat nang mga kaso ng katiwalian.
Sa gitna nito, napilitan nang magbitiw sa pwesto ang hepe ng DBM na si Wendell Avisado matapos maungkat ang napakaraming anomalya sa kanyang ahensya. Isa si Avisado sa personal na alagad ni Duterte mula pa oong meyor siya sa Davao. Tahimik nang nagbitiw sa pwesto ang alagad ni Go na si Lao bago pa pumutok ang isyu.