Walang pera para sa bakuna, dagdag na testing sa 2022
Inamin ngayon ni Department of Health Sec. Francisco Duque na walang alokasyon sa pambansang badyet para sa dagdag na pasilidad pangtesting sa susunod na taon. Kasabay nito, ang pondo para sa dagdag na bakuna ay “di nakaprograma o maghihintay kung may malilikom ang gubyerno na pondo mula sa buwis o di kaya’y tira-tira mula sa dayuhang utang. Ang dalawang aytem na ito ay hindi bahagi sa panukala ng ahensya na P242.22 bilyong badyet para sa 2022.
Ayon kay Duque, una nang humingi ang ahensya ng P104 bilyon para sa bakuna, pero hindi ito sinang-ayunan ng Departmeng of Budget and Management. Sa halip, naglista lamang ang DBM ng aytem na P45 bilyon pero hindi nilagyan ng pondo.
Sa ngayon, napakababa ng kapasidad ng Pilipinas sa testing na rekisito sa maayos na tugon sa pandemya. Hindi na lumaki mula sa 60,000 ang isinasagawa nitong testing kada araw, malayong-malayo sa tinatayang 450,000 na kailangan nitong isagawa sa gitna ng pagkalat ng Delta baryant. Mabagal ang pagpoproseso ng mga resulat ng tests at nahuhuli ang pag-uulat nang hanggang apat na araw dahil napakakaunti ng mga testing facilties sa buong bansa.
Noong Agosto 29, nasa 33 milyong pa lamang na bakuna ang naiturok. Sa buong bansa, 13.7 milyong indibidwal o 20% pa lamang ang nakakumpleto ng dalawang dosis. i bababa sa 70 milyon ang kailangang mabakunahan sa Pilipnas para maabot ang “herd immunity” o kolektibong kakayahang makaiwas sa pagkakasakit. Habang tumatagal, nangangamba ang maraming eksperto na mawalan ng bisa ang kasalukuyang mga bakuna laban sa harap ng paglitaw ng bagong mga baryant na posibleng mas nakahahawa o mababagsik. Sa gayon, kailangang handa ang gubyerno para sa dagdag o bagong mga bakuna para rito.
Pinatunayan ng kawalan ng pondo ang kahungkagan ng bukambibig ni Duterte na tanging bakuna ang magsasalba sa Pilipinas laban sa Covid-19. Sa panukalang pambansang badyet, malayong prayoridad ng kanyang rehimen ang pampubllikong kalusugan. Sa halip, magbubuhos ito ng pondo para pambayad sa utang, programa para sa imprastruktura at pagpapalakas ng miltiar at pulis.
#Aklas
#DuqueResign
#DuterteWakasanNa