Implasyon sumipa nang 4.9%, pinakamataas sa huling dalawang taon
September 14, 2021
Iniulat noong nakaraang linggo ang pagsipa ng implasyon sa bansa — pinakamataaas sa huling dalawang taon at sa panahon ng pandemya. Ayon sa paunang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa 4% noong Hulyo, pumalo ito nang 4.9% sa buwan ng Agosto.
Pangunahing nagtulak sa pagsirit ng implasyon ang pagtaas ng mga presyo ng gulay, isda, iba pang mga produktong pagkain at langis. Ang lahat ng ito ay sa harap ng naghihingalong ekonomya ng bansa dahil sa paulit-ulit at hindi matapos na mga lockdown.
Para sa taong ito, abereyds 4.4% na ang buwanang tantos ng implasyon, mas mataas sa tantya ng mga upisyal sa ekonomya ng rehimen na 2-4% sa buong taon.
AB: Implasyon sumipa nang 4.9%, pinakamataas sa huling dalawang taon