Marco Valbuena: Makakamit kaya ang panawagan na “Wakasan Na” ang paghahari ni Duterte bago mag-eleksyon?
Editors of Ang Bayan: Sa pagkakapit-tuko ni Duterte, nililikha niya ang isang political situation na pwede pa ring sumiklab sa krisis anumang oras. Dapat handa ang taumbayan na sunggaban ang pagkakataon bago o kaya pagkatapos ng eleksyong 2022.
Dapat bantayan ang sumusunod: ang biglang paglala ng krisis sa ekonomya at malawakang tanggalan sa trabaho; ang lalong paglala ng pandemya at kawalang kakayahan ng rehimeng Duterte na harapin ito; at ang pagbaling ni Duterte sa madudugong pamamaraan ng pagsupil sa taumbayan.
Ang kumbinasyon ng mga salik na ito ay maaaring magpapahit ng sitwasyon. Dahil sa yabang at pagkalasing ni Duterte sa kapangyarihan, maaari niyang ma-miscalculate ang hangganan ng kanyang kapangyarihan, loyalty ng militar at kanyang mga alipures, tatag ng kanyang alyansa at sidhi ng galit ng masa.
Ang pandaraya ni Duterte sa eleksyon ang pinakamalamang na makapagpapasiklab ng malawak na paglaban at pag-aalsa. Umaasa siya na makakalusot dahil sa automated elections pero hindi imposible na may ilang sangkot na hindi kayang maatim ang pandaraya, tulad ng mga tauhan ng Comelec na nagwalk-out noong 1986 dahil sa garapalang pandaraya ni Marcos.