Mga residente, nagbarikada para ipagtanggol ang kababaryo
Pinalibutan ng mga residente ng Sityo Cabiti, Barangay Santol, Binalbagan ang bahay ng isa nilang kababaryo kaninang madaling araw para ipagtanggol siya laban sa mga sundalo at pulis.
Ayon sa ulat ng Paghimutad, alternatibong grupong midya sa Negros, alas-3 ng madaling araw nang pumasok ang 40 elemento ng AFP at Special Action Force ng PNP sa Sityo Cabiti, malapit sa bahay ni Lucia Sales. Si Sales ay isang magsasaka na kasapi ng Asosasyon para sa Kauswagan sang mga Mangunguma kag Mamumugon sa Uma, lokal na samahan ng magsasaka sa lugar.
Bandang ala-5 ng umaga nang paalis na sana ang anak na lalaki na Sales papunta ng trabaho, nakita niya ang di bababa 15 tropa ng AFP at PNP ang papunta sa kanilang bakuran. Tinangka ng mga ito na pasukin ang kanilang bahay.
Upang pigilan ang mga ito, nagbuo ng barikada ang mga residente palibot ng bahay. Sa ulat ng Panghimutad ngayong tanghali, nakabarikada pa rin ang magkababaryo sa paligid ng bahay ni Sales.
Ayon pa grupo, hinahanap umano ng mga berdugo ang isang alyas “Juaning” sa lugar. “Nagbanta ang mga ito na aarestuhin ang mga residente na walang ipinakikitang warrant of arrest,” anito.