Pagpapalaya sa mga bilanggong unyonista, iginiit
Nananawagan kahapon, Araw ng Paggawa, ang isang grupong nagtataguyod sakarapatang-tao, na palayain na ang mga unyonista at mga aktibistang manggagawa na ibinilanggo ng rehimeng Duterte.
Ayon kay Fides Lim, tagapagsalita ng grupong Kapatid, sa halos 700 bilanggong pulitikal sa Pilipinas, puu-puo ang mga manggagawa at unyonista. Ang Kapatid ayorganisasyon ng mga kamag-anak at kaibigan ng mga bilanggong pulitikal saPilipinas.
“Dapat na silang palayain,” ani Lim. “Malinaw na sila’y ibinilanggo lamangdahil sa mga trabahong ginampanan nila — ang paggigiit ng karapatan ng bawatmanggagawa para sa makatarungang kumpensasyon at disenteng kundisyon satrabaho, kabilang ang pagtatapos sa kontraktwalisasyon.”
Kabilang sa mga manggagawang nakabilanggo sina Ireneo Atadero, George Bruce, Reynante Gamara, Reynaldo Lagunoy, Julio Lusania, Maoj Maga, Rey Malaborbor, Jose Nayve, Bob Reyes, Oliver and Rowena Rosales, Alberto at Virginia Villamor, at Calixto Vistal.
“Tulad ng iba pang mga bilanggong pulitikal, mga biktima sila ng gubyernongwalang awat na gumagawa ng ebidensya para ikulong ang mga aktibista, o masmalala, patayin sila tulad ng kaso ni Emmanuel Asuncion, lider manggagawa saSouthern Tagalog, bilang ganti sa kanilang pagtulong sa pinakanangangailangan,”ayon sa grupo.