Pulis na lumuhod sa leeg ni George Floyd, hinatulang “guilty” sa pagpatay
Balita kahapon ang paglabas ng hatol na “guilty” (maysala) kay Derek Chauvin, ang pulis na lumuhod sa leeg ni George Floyd, isang Itim, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay noong Mayo 2020. inatulan ng 12-myembro na jury si Chauvin na maysala sa pagpatay kay Floyd matapos ang tatlong linggo pagdinig at 10 oras na deliberasyon. a susunod na mga linggo, itatakda ng korte kung ilang taon siya ikukulong. ng tatlo pang pulis na kasama ni Chauvin sa panahon ng pagpatay ay haharap din sa korte sa Agosto sa mga kasong “aiding and abetting murder and manslaughter.”
Naging mitsa ng muling pagbugso ng kilusang Black Lives Movement noong nakaraang taon ang pagpatay ni Floyd. Lumaganap ang huli niyang mga salita na “hindi ako makahinga” na nagsimbolo sa sistematikong pang-aapi sa mga Itim sa US.
Bago ang pagpatay kay Floyd.
Ipinagdiwang ng mga Black Lives Movement ang hatol ng korte at ang kaakibat na imbestigasyon sa kalakaran ng departamento ng pulis sa Minneapolis kung saan myembro si Chauvin.
Bagamat itinuturing na malaking tagumpay, batid ng BLM na mahaba at masalimuot pa ang laban sa rasismo, brutalidad ng pulis, at laluna laban sa sistematikong pagsasamantala at pang-aapi sa mga Itim at kanilang mga komunidad sa US.
Habang ipinagdiriwang nila ang hatol, kasabay nilang ipinanawagan ang hustisya sa daan-daan pang mga Itim na naging biktima ng rasistang brutalidad ng mga pulis. Ayon sa New York Times, 64 katao ang namatay sa kamay ng mga pulis mula lamang magsimula ang pagdinig sa kaso sa pagpatay kay Floyd noong Marso 21 o tatlo kada araw sa loob ng 21 araw. Kalahati nito ay mga Itim at mamamayang maykulay.
Sa mismong araw ng paghatol, ilang minuto bago binasa ang desisyon, binaril at napatay si Ma’Khia Bryant, isang 16-taong gulang na Itim, sa Franklin, Ohio, na nag-udyok ng panibagong mga protesta.
Kabilang rin sa mga biktima ang 13-taong gulang na si Adam Toledo na binaril at pinatay ng mga pulis sa Chicago noong Abril 11. Sa sunod na araw, binaril naman ang 32-taong gulang na si Michael Hughes habang nang-aagaw diumano ng taser a Florida. Sa araw mismo ng paghatol kay Chauvin, binaril at napatay ng isang pulis si Daunte Wright, 20, habang inaaresto para sa paglabag ng isang alintuntunin sa trapiko sa Minneapolis, ilang minuto lamang ang layo sa korte kung saan ibinababa ang hatol.
Lahat ng mga pagpatay na nakuhanan ng bidyo, at ayon sa mga eksperto, sobrang dahas ang ginamit ng mga pulis.