Walang silbing mga face shield, ipinatatatapon na
Itinutulak ng mga meyor sa Metro Manila sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ipawalambisa na ang rekisitong paggamit ng mga face shield liban sa loob ng mga ospital at mga matataong lugar. Ang hakbang ay kasunod sa pagbawi ng Department of Transporation sa rekisitong paglalagay ng mga “plastic barrier” o harang sa loob ng mga dyip noong Nobyembre 4.
Matagal nang ipinanawagan ang pagbawi sa dalawang patarakan. Ayon sa mga kritiko nito, liban sa dagdag gastos, parehong walang matibay na batayan sa syensya ang naturang mga hakbang.
Noon pa man ay suspetsa na ng marami na negosyo lamang ang nasa likod ng pagtutulak ni Rodrigo Duterte sa pagsusuot ng face shield kahit pa hindi ito bahagi ng mga protokol sa kalusugan ng World Health Organization. Napatunayan ito sa imbestigasyon sa Senado kung saan nabunyag ang pagbili ng rehimen ng milyun-milyong napakamamahal na mga face shiled mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.