Art appreciation echoes the class struggle. For the few who lords over this society, art is just for art’s sake. Something for them to regard briefly, enjoy fleetingly and then forget. Something for them to buy, sell, measure their status and power with and put into pedestals.
Makauri ang pagtingin sa sining. Para sa iilang naghahari-harian sa lipunang ito, ang sining ay ginagawa para lamang sa kapakanan ng sining. Para lamang saglit na masdan, sandaling ikatuwa, at matapos palipasin na mula sa ulirat. Para bilhin, ibenta, ituring na panukatan ng katanyagan at kapangyarihan, ilagay sa mga pedestal.
As an artist of the people, Ka Kyla had not just contributed her talents in the arts in the area she worked in Camarines Sur, but also, the discipline and creativity in all types of revolutionary work she undertook.
Isang artista ng bayan, si Ka Kyla ay nag-ambag hindi lang ng kanyang talento sa sining sa kanyang kinilusang mga komunidad sa Camarines Sur, kundi maging ng disiplina at pagkamalikhain sa lahat ng aspeto ng gawaing iniatas sa kanya.
Imagine a world shrouded in darkness, where all space is controlled and all color blacked out. Everything is sleek but dull and uniform. Creative expression is limited. Paint, ink and paper are monopolized by the elite and the State that represents them. Whoever uses it for the purpose not intended is vilified.
Ipagpalagay ang isang mundong nakalukob ang kadiliman, kung saan ang lahat ng espasyo ay kontrolado at walang ibang kulay na maaaring umiral. Maaaring lahat ay makinis ngunit patay at pare-pareho lamang ang mga hugis. Ang malikhaing pamamahayag ay limitado.
Tumpak ang ulat ng internasyunal na organisasyon na Reporters without Borders. Ang limang taon ng rehimeng US-Duterte ang isa sa mga pinakamalalagim na yugto sa kasaysayan ng pakikibaka para sa malayang pamamahayag sa bansa. Sa ilalim niya, naging krimen ang magpahayag ng taliwas o kritikal sa rehimen. Tulad ng batas militar ni Marcos, walang singhigpit […]
Sa mga kapatid namin sa hanay ng mass media at mga artista ng bayan, Maaalab na pagbati mula sa mga kasama! Hangad naming datnan kayo ng sulat na ito na nasa mabuting kalagayan at ligtas sa anumang kapahamakan kasama na ang inyong mga mahal sa buhay. Sumulat kami sa inyo upang ipahayag ang aming […]
Kaisa ang mamamayang Pilipino, ipinagbubunyi ng ARMAS-Bikol ang ika-47 anibersaryo ng NDFP. Susi ang papel ng NDFP pagpapalaganap ng rebolusyonaryong kultura – mula sa pagpapalaganap ng obhetibo at makauring pagsusuri hinggil sa mga isyu sa lipunan hanggang sa pagtataas at pagpapatalas ng pampulitikang kamulatan ng taumbayan. Patunay ang lumalaking arkibo ng mga pahayagan, literary […]
Mariing kinukundena ng ARMAS-Bikol ang rehimeng US-Duterte sa lumalalang pang-aatake sa hanay ng mga mamamahayag. Pilit na sinasagkaan ni Duterte ang malayang pamamahayag ng mga kagawad ng midyang nagsisiwalat ng kabulukan ng kanyang rehimen. Binubusalan niya ng kamay na bakal ang progresibo at makabayang hanay sa pagsisikap na pigilan ang pagbulwak ng kilusang-talsik laban […]