Nangangatog sa takot sina Major Gen. Laurence Mina at Brigadier Gen. Steve Crespillo na masiwalat ang katotohanang pitong sibilyan ang nasawi matapos walang-patumanggang bombahin ng 5th Infantry Division Philippine Army at Philippine Air Force ang kabundukang bahagi ng Sityo Bagsang, Sta. Clara, Gonzaga noong Enero 29. Bigo ang 5IDPA sa pakanang palitawing fake news ang […]
Pinakamahabang ilog sa buong Pilipinas, hindi maitatangging napakayaman ng Ilog Cagayan sa likas na rekurso partikular ang mga may komersyal na halaga tulad ng buhangin, graba, ginto, at magnetite o black sand. Sa bahaging saklaw ng Cagayan, matatagpuan ang 986,067 kubiko-metro ng buhangin at graba sa lawak na 107 ektarya, at 420 metriko-tonelada ng ginto […]
Sa kailaliman ng malawak na karagatan sa hilaga ng Cagayan matatagpuan ang napakayamang reserba ng magnetite o black sand. Hindi lamang bakal ang kaya nitong patibayin kundi pati na rin ang mga haligi at pundasyon ng ating mga pambansang industriya. Sa kabila nito, wala sa interes ng papet na gubyerno ang pambansang industriyalisasyon. Sa halip […]
Mariing kinukundena ng National Democratic Front of the Philippines-Cagayan (NDFP-Cagayan) ang walang-habas na pambobomba, istraping, at paghahasik ng terorismo ng estado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga baryo ng Dungeg, Mission, at Aridowen sa bayan ng Sta. Teresita, at sa baryo ng Rebecca sa bayan ng Gonzaga, sa probinsya ng Cagayan. Inilulunsad […]
Makalipas ang 49 taon, ginugunita ng sambayanang Pilipino ang pagpataw ng diktador na si Ferdinand Marcos ng batas militar kasabay ng pagpapaalingawngaw ng kanilang panawagang isakdal ang rehimeng US-Duterte sa kanyang patong-patong na krimen laban sa mamamayang Pilipino at sangkatauhan. Hinding-hindi maiwawaglit ng mamamayan ang mga ala-ala ng kabagsikan, karahasan, pagyurak sa karapatang-tao at panggigipit […]
Habang nagtatagisan sa lakas-militar at ekonomiya ang mga dambuhalang imperyalista, partikular ang Estados Unidos at Tsina, walang-pakundangan namang nasasagasaan ang pambansang soberanya ng Pilipinas. Upang pasahulin pa, interesado lamang si Rodrigo Duterte, bilang kasalukuyang hepe ng burukrata kapitalismo ng lipunang Pilipino, sa kung anong pansariling benepisyo ang makukuha nito mula sa pamamangka sa naturang dalawang […]