Archive of Ma. Patricia Andal | Spokesperson

Isabansa ang Industriya sa Enerhiya! Ibasura ang Neoliberalismo sa Industriya ng Enerhiya! Panagutin si Duterte at Alfonso Cusi sa Krisis sa Kuryente sa Mindoro!
July 21, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Nagiging pambansang usapin na ang krisis sa kuryente sa isla ng Mindoro. Dekada nang tinitiis ng mamamayang Mindoreño ang madalas at mahahabang brownouts pero umabot na sa sukdulan ang 12-14 oras sa isang araw ang dinaranas ngayon sa Occidental Mindoro. Ang abala na dinulot nito sa pang-araw-araw na buhay ng mamamayan ay nagtulak na mismo […]

Mamamayang Mindoreño, ipaglaban ang karapatan sa pamamalakaya at pambansang soberanya!
July 12, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Anim (6) taon na mula nang pinaboran ng Permanent Court of Arbitrations (PCA) ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang bansang Pilipinas sa arbitral tribunal laban sa Tsina sa usapin ng karapatan sa teritoryo sa karagatan at isla ng West Philippine Sea (WPS). Ang inilabas na husga ng PCA na […]

Batang Mangyan-Buhid, hindi NPA, pinatay ng PNP-SAF at 4th IBPA sa Roxas, Oriental Mindoro!
July 08, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Kasuklam-suklam at dapat na kondenahin sa pinakamataas na antas ang ginawang pagpatay sa isang batang Mangyan-Buhid ng berdugong pwersa ng 203rd Bde – PNP MIMAROPA noong July 3. Para pagtakpan ang kanilang krimen, nagpakalat ng fake news ang 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA na may naganap na engkwentro sa pagitan ng isang yunit ng Lucio De […]

Grabeng pagbagsak ng presyo ng sibuyas sa Mindoro epekto ng neoliberal na patakaran ng rehimeng US-Duterte
May 04, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Ang isla ng Mindoro ay isa sa malaking prodyuser ng sibuyas sa bansa na nagsusuplay sa Kabisayaan at Palawan. Noong 2014 umaabot sa 13,330 metriko tonelada ang produksyon ng sibuyas sa isla kung saan ang 99% nito ay mula sa Occidental Mindoro. Ang mga bayang pangunahing prodyuser ng sibuyas ay ang San Jose, Calintaan at […]

Panagutin si Alfonso Cusi sa kanyang mga kasalanan laban sa mga Mindoreño at sambayanang Pilipino
April 26, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Dapat na ilantad ang mga kasamaan at kriminal na pananagutan ni Alfonso Cusi sa mamamayang Mindoreño bilang isa sa pangunahing utusang aso, tuta at masugid na tagapagpatupad sa mga anti-mamamayang palisiya at tagapangalaga sa mga pang-ekonomya at politikal na interes ng papet, kriminal, terorista at tiranikong rehimeng US-Duterte. Si Cusi ay myembro ng gabinete ng […]

Mabuhay ang rebolusyonaryong mamamayan sa Isla ng Mindoro! Magpunyaging isulong ang demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa tagumpay!
April 24, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Pinagpupugayan ng National Democratic Front of the Philippines – Mindoro ang ika-49 anibersaryo ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)! Apatnapu’t siyam na taon na ang nakalipas, makasaysayang itinatag ng Partido Komunista ng Pilipinas ang NDFP sa layuning pagkaisahin ang pinakamalawak na masa ng sambayanan –mga manggagawa at magsasaka at lahat ng […]

Sa tagumpay lamang ng pambansa-demokratikong rebolusyon at pandaigdigang sosyalistang rebolusyon malalabanan ang climate change at makakamit ang sustenableng pag-unld ng bayan
April 22, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Ginugunita sa buong mundo ngayon ang Earth Day. Isa itong simbolikong araw kung saan ipinapaalala sa mga mamamayan ang pangangalaga sa kalikasan at likas na yaman upang maipreserba para sa susunod na salinlahi. Sa nagdaang mga taon, ang Earth Day ay naging daluyan upang ipanawagan ang mga isyu kaugnay sa climate justice at ang walang […]

Mamamayang Mindoreño, pakamahalin ang Bagong Hukbong Bayan! Tumangan ng armas at isulong ang rebolusyon hanggang sa tagumpay!
March 29, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

  Mga kababayan, Minamarkahan ng araw na ito ang ika-53 anibersaryo ng tunay na hukbo ng mamamayan, ang Bagong Hukbong Bayan. Bilang pangunahing bisig ng minamahal nating Partido Komunista ng Pilipinas, buong giting na ginampanan ng Pulang hukbo ang tungkulin nitong magmulat, mag-organisa, at magpakilos ng mamamayan upang suportahan ang armadong rebolusyon. Sa ating Isla, […]

Ilantad, itakwil at labanan ang sabwatang AWR-SDA-203rd Brigade-PNP MIMAROPA sa gera laban sa mamamayang Mindoreño
March 27, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Mariing kinukondena ng NDF-Mindoro at mamamayang Mindoreño ang pagpapagamit ng Adventist World Radio-Seventh Day Adventist (AWR-SDA), isang nagpapanggap na relihiyosong grupo sa maruming gera na inihahasik ng pasistang militar na 203rd brigade (BDE) na nagdulot ng malalang paglabag sa mga pantaong karapatan at karumal-dumal na krimen laban sa mamamayang Mindoreño. Instrumento sa panlilinlang ang AWR-SDA […]

Ang mapanlinlang na NTF-Elcac at teroristang 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA ang dapat itakwil at palayasin sa mga komunidad ng Mangyan!
March 26, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Sukdulang kahangalan at desperasyon ang muling ipinamalas ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang galamay nitong berdugong 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA sa panibagong panlilinlang sa sambayanang Mindoreño! Sa bayan ng Mansalay, inilunsad noong Marso 25 ang isang pulong talakayan para sa diumano’y mga nagbalik-loob na myembro ng CPP-NPA, walang kahihiyang tinipon […]