Dumanak na naman ang dugo ng mga sibilyan sa kamay ng pasistang 59th Infantry Battalion of the Philippine Army (IBPA) na patuloy na naghahasik ng karahasan at disimpormasyon sa Batangas. Pinakahuling biktima ng mga pasista si Maximino Digno, 50, na pinatay sa kanyang sinasakang lupa sa Brgy. Cahil, Calaca noong Hulyo 26. Walang kahihiyan pang […]
Binabaluktot ng 59th IB-PA ang naganap na enkwentro sa Bgy. Guinhawa, Taysan noong Hulyo 18 upang pagtakpan ang kanilang pananagutan sa pagkamatay ng siyam na taong batang babae. Sa inilabas na pahayag ng nasabing mersenaryong batalyon, pinalalabas nilang may dalawang enkwentrong naganap sa pagitan ng mga pwersa ng NPA at mga tropang militar sa Sityo […]
Mariing kinukundena ng Eduardo Dagli Command New People’s Army (NPA) – Batangas ang malakihang operasyong militar na isinagawa ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa kabundukan ng San Juan at Rosario mula noong Oktubre 11 at tumagal nang halos dalawang linggo.
Pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng New People’s Army – Eduardo Dagli Command, NPA – Batangas kay Kasamang Mario ‘Ka Jethro’ Caraig, magiting na kadre ng Partido at Hukbo, mahusay na guro, mabuting tao at dakilang kasama na lubos na minahal, hinangaan, kinilala at naging inspirasyon sa libu-libong mamamayan ng Batangas. Hindi kayang tumbasan ng […]
Mariing kinukondena ng New People’s Army – Eduardo Dagli Command (NPA-Batangas) ang malisyosong propaganda at iligal na pag-aresto ng pinagsanib na pwersa ng AFP at PNP sa magsasakang si Lamberto Asinas, nitong Abril 16, 2020, ganap na alas-9:30 ng umaga sa Brgy. Bundukan, Nasugbu, Batangas. Si Asinas ay dinakip batay sa mga gawa-gawang kaso at […]
Desperadong naghabi ng patung-patong na kasinungalingan ang Armed Forces of the Philippines sa pangunguna ng 2nd Infantry Division ng Southern Luzon Command upang pagtakpan ang panibagong kahihiyan at kabiguan sa inilunsad nitong operasyon laban sa NPA-Batangas na humantong sa humigit-kumulang 20 minutong labanan sa Sitio Maquitib, Brgy. Quipot, San Juan, Batangas noong Abril 29, bandang […]
Apolinario Matienza Eduardo Dagli Command NPA Batangas Pinupugayan ng Eduardo Dagli Command, kasama ang buong rebolusyonaryong kilusan sa Batangas, ang darating na ika-50 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas bilang isang matagumpay na bigwas sa rehimeng US-Duterte.