Archive of Samuel Guerrero | Spokesperson

Pagpupugay kila Ka Arking at Ka Bitri, mga magigiting na anak ng bayan!
May 13, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Pinakamataas na pagpupugay ang ginagawad ng Celso Minguez Command at buong rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon kila Ka Arking at Ka Bitri na nag-alay ng kanilang talino, talento, husay at puso para sa sambayanan. Nasawi sa labanan si Ka Arking nitong Marso 10, 2022, sa edad na 30 at si Ka Bitri nitong Abril 13, 2022. […]

Mga biktima ng tanim baril-granada ng AFP at PNP umabot na sa 12 sa Sorsogon
May 10, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Mariin naming kinukundena ang serye ng pagtatanim ng baril at bomba/granada modus at ang pagbibintang na NPA o MB na ginagawa ng PNP at AFP laban sa mga sibilyan sa probinsya ng Sorsogon. Sinisira ng pakanang ito ang buhay ng mamamayang walang kalaban-laban. Mula 2021 ay umabot na sa 24 na sibilyan ang walang pakundangang […]

Ka Lyn, Ina at Rebolusyonaryo
May 08, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Ginugunita ngayon ang araw ng mga ina. Okasyon ito ng pagkilala sa natatanging papel ng mga ina sa mundo. Sa ganang rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon, pagkakataon ito para parangalan at pagpugayan si Leonora “Ka Lyn” Chija, isang inang nag-alay ng kataas-taasang sakripisyo sa pagsusulong ng rebolusyonaryong digma sa probinsya. Si Ka Lyn ay napaslang sa […]

Rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon, tumitindig para sa laban ng mga kagawad ng midya para sa kalayaan sa pamamahayag
May 03, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Sinasaluduhan ng rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon ang lahat ng mamamahayag at kagawad ng midya sa okasyon ng Pandaigdigang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag. Wala silang kapaguran sa pagtupad sa tungkulin nila bilang mga ahente ng pagpapalaganap ng impormasyon at katotohanan. May mga nagbuwis na ng buhay sa probinsya para sa adhikaing ito at nakalulungkot na […]

Masaker sa Tatlong Sibilyan, kagagawan ng 31st IBPA at mga Pulis ng Donsol at Pio Duran
May 03, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Mahigpit na kinukundena ng Celso Minguez Command Bagong Hukbong Bayan – Sorsogon (CMC BHB – Sorsogon) ang pagmasaker ng pinagkumbinang mga berdugong yunit ng 31st IB PA, PNP Pio Duran At PNP Donsol sa tatlong sibilyan kahapon, Mayo 2, ganap na 3:29 ng umaga sa so. Small, sentro ng Brgy Sta Cruz, Donsol, Sorsogon. Naglalakad-pauwi […]

May mga katanungang dapat sagutin ang ilang lokal na kandidato
April 17, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Ilang kandidato sa mga lokal na posisyon sa probinsya ang bumabalewala sa mga paanyaya namin para makausap sila tungkol sa mga usapi at problemang kinakaharap ng masang Sorsoganon. Labis namin itong ikinadidismaya. Dahil napakakrusyal ng mga usaping tinutukoy, pilit pa rin naming kukumbinsihing makipagharap sa amin ang sumusunod na mga kandidatong pawang incumbent na mga […]

Myembro ng death squad ng militar, patay sa operasyong isparo ng NPA
April 17, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Napatay sa operasyong isparo ng NPA si Elvin Janapin Alzaga, 37, sa Barangay Guinlajon, Sorsogon City nitong Byernes, Abril 15. Si Alzaga ay intelligence asset at myembro ng death squad na inoopereyt ng 96th Military Intelligence Company (MICO) mula pa noong 2019. Naging aktibo siya sa pagtuturo at panggigipit sa mga mangingisda at magsasakang pinagbibintangang […]

Operasyong isnayp ng NPA ang naganap sa Esperanza, Pilar
March 02, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Matagumpay ang operasyong isnayp na inilunsad ng NPA kagabi, Pebrero 28, alas-7:00 ng gabi sa headquarters ng 504th Maneuver Company ng PNP Regional Mobile Force Battallion sa Brgy. Esperanza, Pilar, Sorsogon. Napatay sa operasyon si P/Cpl. Ryan M. Atos at sugatan ang isa pang elemento ng RMFB. Ang naturang operasyon ay bahagi ng nagpapatuloy na […]

Fake News Alert: Nora Garote
February 10, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Inaresto nitong Enero 21 si Nora Garote, isang kagawad sa Brgy. Sta. Lourdes, Barcelona, Sorsogon ng mga elemento ng 31st IBPA at Barcelona PNP. Pinaratangan siya na NPA supporter, binugbog, tinaniman ng mga ebidensya at sinampahan ng gawa-gawang kaso. Si Garote ay pang 2 na sibilyan na sinampahan ng gawa-gawang kaso ngayong taon.

Ang pagganti sa mga sibilyan ay labag sa internasyunal na makataong batas
November 25, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Kinukundena namin ang dumadalas na tangkang pagpaslang, panghaharas at pananakit ng mga sundalo ng reaksyunaryong gobyerno sa mga sibilyan tuwing nasa operasyon ang AFP/PNP laluna kapag nakakasagupa nila ang NPA. Kaninang alas-6 ng umaga, matapos makasagupa ang isang yunit ng NPA sa Brgy. Sangat, Gubat, hinalughog at binantaang pasasabugin ng mga sundalo ang bahay ng […]