Isang malagim na alaala ng kalupitan at karahasan ng rehimeng US-Marcos ang Setyembre 21 at hindi kailanman magiging isang pagdiriwang para sa malawak na sambayanang Pilipino. Tanging mga kasapakat at kapural ni Marcos at mga nabiyayaan ng diktadurang rehimen ang nagsasaya sa petsang ito. Ang mga mandarambong at magnanakaw sa kaban ng bayan ang nagbubunyi […]
Mahigpit nating kondenahin at itakwil ang malaking kabulastugan ng mga teroristang elemento ng AFP-PNP sa panrireyd sa isang farm sa bayan ng Teresa, Rizal na idinadawit ang Bagong Hukbong Bayan (NPA) na nagpaplano diumano para sa “Red October,” na isang magarbong “drama” mismo ng Rehimeng US-Duterte. Mariing pinabubulaanan ng rebolusyonaryong kilusan ang kasinungalingang ipinapakalat ng […]
Ikinalugod ng rebolusyunaryong mamamayan ng Quezon ang hatol na ibinigay ng Bulacan Regional Trial Court sa kriminal at berdugong si Jovito Palparan, kahapon, September 17, 2018. Kahima’t hindi nito matutumbasan ang rebolusyunaryong hustisya, nagpaluwag kahit papaano sa kalooban ng mga pamilya ng biktima ni Palparan ang hatol na siya ay maysala sa pagdukot at […]
Nagbubunyi ang sambayanang Pilipino sa hatol ni Judge Alexander Tamayo ng Bulacan Regional Trial Court Branch 15 na reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo sa berdugong si retired Maj. Gen. Jovito Palparan. Higit na ipinagdiwang ito ng mamamayan sa Timog Katagalugan na biktima rin ng walang kaparis na pandarahas at panunupil ng mga militar […]
Pinarusahan ng New Peoples Army-Rizal ang kumpanyang MONTE ROCK CORPORATION sa Barangay Guitnang Bayan 2, San Mateo, Rizal kahapon, Agosto 12, 2018 sa ganap na 4:30 ng hapon hanggang 6:29 ng gabi. Halos dalawang oras na hinalughog ng mga operatiba ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-NPA-Rizal) ang kumpanya. Ang nasabing kumpanya ay kagyat na kadikit […]
Dalawang katutubong Mangyan ang dinukot at dalawa pa ang inimbestigahan, hinaras at binantaan sa Mindoro habang naglulunsad ng operasyong militar ang 76th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Hunyo 21 – 28 sa mga sityo at barangay na nasa pagitan ng mga bayan ng Bongabong at Mansalay, Oriental Mindoro at San […]