Download the issue here Pilipino: PDF
Tuloy-tuloy na Biguin ang Kontra-Rebolusyunaryong Gera ni Duterte! Ibagsak ang Teroristang Rehimen at Papanagutin sa Kriminal na Kapabayaan sa Panahon ng Pandemya! Hindi naglubay ni isang saglit ang matinding atake sa buhay at kabuhayan ng mamamayan sa ilalim ng militarista at teroristang rehimen ni Digong Duterte simula nang pakawalan niya ang maruming gera kontra CPP-NPA […]
Ang maagang paglulustay ng salapi ng magkabilang kampo mula pa noong 2019 para langisan ang kani-kanilang makinaryang elektoral ay patunay na hindi sesentro sa interes at kagyat na karaingan ng mamamayang Quezonin ang kampanyahan sa susunod na taon. Sa halip, maaasahang sasandig sa subok at napatunayang pamamaraan ng mga trapo ang halalan sa 2022 – […]
Noong 2020, Bigo ang FMO at atakeng kombat ng AFP-PNP laban sa NPA sa panahon ng pandemya. Binigo ng Apolonio Mendoza Command ng Bagong Hukbong Bayan-Quezon ang focused military operations at mga pag-atake ng 201st IB, 2nd IDPA at PNP-CALABARZON sa pinagsanib na operasyon ng mga panagupang batalyon nito gamit ang 59th IB, 85th IB, […]
Noong huling kwarter ng 2020, pagkatapos ng sunud-sunod na labanan sa pagitan ng NPA at AFP sa kasagsagan ng pananalasa ng mga bagyo, malinaw na paghihiganti sa kanilang kabiguan ang tuluy-tuloy na atake ng pasistang sundalo sa mga sibilyan. Buo-buong barangay ng Lavidez sa General Luna at barangay P.Herrera, Lahing, Malabahay, San Vicente at San […]
Hudyat ng unang putok ng taon ang matagumpay na ambus na isinagawa ng Apolonio Mendoza Command NPA-Quezon sa tropa ng mersenaryong sundalo na naglulunsad ng focused military operation sa probinsya ng Quezon simula pa noong nakaraang taon. Sakay ng dalawang Hummer truck ang tropa ng 85IB nang matambangan ito ng isang yunit ng NPA sa […]
Talamak at karaniwang balita sa mga barangay na tinayuan ng kampo ng sundalo at bahagi ng mga operasyong militar ang mga kaganapang pamamaril at pambubulabog sa baryo ng mga lasing na sundalo. Karaniwang pangyayari rin ang nakawan ng manok para gawing pulutan. Mas malala pa, nagpapakalat ang sundalo ng pornograpiya at bastos na bidyo, bisyo […]
Hindi na mabilang sa daliri ang karanasan ng masang anakpawis sa lalawigan sa tuloy-tuloy na paggamit ng reaksyunaryong gobyerno sa mamamayan. Muli na namang pinatunayan ng rehimeng Duterte na ang katapusan ng bawat kontra-insurhensyang Oplan ay korapsyon at panunupil. Isa ang lalawigan ng Quezon sa sinasabi ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the […]
Sa pagpasok ng taong 2020, sinalanta ng mga nakamamatay na pandemyang sakit ang buong daigdig. Kasabay ng pangkalusugang suliranin na COVID-19, lumaganap ang pandemyang sakit sa mga baboy, ang African Swine Fever o mas kilala na ASF. Ito ay kumakapit at nakamamatay sa mga alagang baboy ng mga magsasaka at mamamayan na nagdudulot ng malaking […]
Nasa panahon parin tayo ng pandemya, halos isang taon na simula nang ideklara ang militaristang lockdown ng rehimeng Duterte dahil sa pagkalat ng nakakahawang COVID-19. Pero hanggang ngayon wala pa ring kaseryosohan at pagmamadali ang rehimeng Duterte na gumawa ng mga angkop na hakbangin para sa mamamayan. Kahit pagkalipas ng isang taon kung saan ay […]