Archive of Workers struggles

Protesta ng manggagawa sa Araw ng mga Bayani, ikinasa
August 29, 2022

Sa Araw ng mga Bayani ngayong araw, nagpiket-protesta ang mga manggagawa ng Pambato Cargo Forwarder, Inc. sa harap ng kumpanya sa Dimasalang Street, Sampaloc, Manila para igiit ang pagtaas ng sahod, espasyo para sa General Membership Assembly (GMA), regularisasyon at iba pa. Pinamunuan ang protesta ng mga unyonista ng Pambato Cargo Federation Labor Union (PAMBATU). […]

500 rider ng Grab sa Pampanga, nagprotesta
August 27, 2022

Naglunsad ng tigil-operasyon ang mga rider ng kumpanyang Grab kahapon, Agosto 25, upang magprotesta sa bagong patakaran ng kumpanya na nagbaba ng delivery fee (bayad sa pagdeliber ng mga rider sa costumer) mula P49 kada 3 kilometro tungong P26 kada 3 kilometro. “Wala na po kaming maiuuwi sa pamilya namin! Sa gasolina pa lang, anong […]

Ilantad at Labanan ang tuloy-tuloy na harasment ng NTF-ELCAC sa mga lider unyunista at ang militarisasyon sa pook trabaho at komunidad ng manggagawa sa Timog Katagalugan!
August 16, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Kasama ng buong hanay ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan, mariing kinukondena ng Revolutionary Council of Trade Union – National Democratic Front – Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) ang patuloy na pagbabahay-bahay sa mga lider unyon, pag-iinteroga sa kanilang aktibidad pang-unyon, pananakot para sapilitang tumiwalag sa militanteng sentrong unyong kinaaniban nila at ang militarisasyon sa komunidad ng […]

Mga kawaning gwardya sa UP, nagkamit ng panimulang tagumpay
August 02, 2022

Inianunsyo ng administrasyon ng University of the Philippines-Diliman noong Hulyo 29 ang pagbabasura nito ng pinirmahang kontrata sa FEMJEG Security Agency, ang labor agency na agsuplay ng mga gwardya sa unibersidad. Nasangkot sa anomalya ang naturang ahensya matapos nitong sisantehin ang mahigit 100 gwardya na nagtatrabaho sa unibersidad bago igawad ng UP ang kontrata. Dagdag […]

Manggagawa sa poso negro, namatay sa pagkalunod
July 31, 2022

Isang manggagawa ng EC Soliman Septic Tank Disposal sa Pasay City ang nasawi matapos mahilo ang mga manggagawa sa sumabog na bumubulang likido sa isang septic tank o poso negro. Bigong makalabas dito ang biktimang si Jesus Sison. Apat pang trabahador ang nailigtas mula sa septic tank. Nanawagan ang Kilusang Mayo Uno at Institute for […]

Food Panda Philippines, pinagbabayad ng ₱2-milyon sa sinisanteng mga rider
July 31, 2022

Sa desisyon na inilabas ng National Labor Relations Commission sa Davao, pinagbabayad ng mahigit ₱2 milyon ang Foodpanda Philippine Incorporated bilang kumpensasyon sa iligal nitong pagtanggal sa pitong delivery rider sa Davao City. Ang Foodpanda ay kumpanyang nagdedeliber ng pagkain. Ang pitong rider na tinanggal nito ay sina Edmund Carrillo, Francis Ghlenn Costan, Nerjhun Claramon, […]

Samahan ng kontraktwal na gwardya sa UP Diliman, itinatag
July 09, 2022

Para bigkisin at ibayong palakasin ang kanilang paglaban, itinatag ng mga gwardya ng University of the Philippines (UP)-Diliman ang Samahan ng mga Nagkakaisang Security Guards ng UP Diliman noong Hulyo 7. Bunga ito ng pakikibaka ng mga gwardya laban sa iligal na tanggalan, mababang pasahod, paglaban sa kotnraktwalisasyon at iba pang paglabag sa kanilang karapatan […]

Peligro sa pagawaan ng Universal Robina, inilantad
June 14, 2022

Naglunsad ng protesta at nagtirik ng kandila ang ilang mga manggagawa at kanilang tagasuporta sa pamumuno ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD) noong Sabado, Hunyo 11, para manawagan ng hustisya sa pagkamatay ni Stephen Corilla sa pabrika ng Universal Robina Corporation (URC) sa Tabok, Mandaue City, Cebu. […]

1.3 milyong manggagawa, nawalan ng trabaho noong Abril
June 14, 2022

Bumaba nang 1.3 milyon ang bilang ng mga manggagawang may trabaho noong Abril, kasabay ang pagkabawas ng 1.5 milyon sa bilang ng nasa labor force, kung ibabatay sa huling estadistika ng Phiippine Statistics Authority. Hindi mapagtakpan ang katotohanan na malayo pa ang Pilipinas sa ipinangangalandakan ng mga upisyal ng rehimeng Duterte na “full recovery,” ayon […]

Tuman kagamay nga dugang-sweldo, igahatag sa mamumugon
June 07, 2022

Pagkatapos ang pila ka tuig, gindugangan sang tuman kagamay sang rehimeng Duterte ang sweldo sang mga mamumugon sa pungsod. Nagpasaka sang sweldo ang kadam-an sang mga rehiyon sang ₱15 tubtob ₱110. Igapatuman ang dugang-sweldo sa duha tubtob tatlo ka hugnat sa masunod nga duha tubtob tatlo ka tuig. Magaumpisa ang kadam-an sang mga pagtaas subong […]