18th SFC na may pakana ng malawakang hamletting ng mga Palaw’an, binigwasan ng BVC-NPA-Palawan

Barangay Bunog, Rizal Palawan: Matagumpay na naisagawa ng isang tim ng Bienvenido Vallever Command – NPA Palawan ang operasyong haras sa detatsment ng 18th Special Forces Company na nakabase sa Mantayog Falls.

Ang detatsment sa Mantayog Falls ang nagsisilbing patrol base ng mga Army at Marines na naglulunsad ng Focused Military Operation sa lugar at mga kanugnog na sityo at barangay.

Ang isinagawang aksyon ng NPA bilang ay tugon sa reklamo ng mga masang walang awang binabantaan, hinaharas at pinipigilang maghanapbuhay ng mga marines at army na nag-ooperasyon sa mga baranggay na saklaw ng Quezon at Rizal. Nakatanggap din ng ulat ang BVC laban sa mga anti-sosyal na gawain ng mga nagkakampong marines at army sa Brgy. Bunog na mula nang magkaroon ng kampo sa lugar ay lumaganap na ang mga nakawan na ang mga biktima ay mga maliliiit na magsasaka at katutubong Palaw’an.

Naging biktima ng hamletting ang halos 100 pamilyang Palaw’an at sapilitang inipon sa tinatawag na IP Village, ito ay sa kalagitnaan ng krisis dulot ng pandemyang CoVid19 at ng militaristang lockdown sa buong probinsya.

Naninindigan ang BVC na tumatalima pa rin ito sa atas ng Partido na hindi magiging target ng mga taktikal na opensiba ang mga militar, pulis at mga pulitiko na nagsasagawa ng humanitarian response para sa krisis ng CoVid19. Ngunit ang mga elemento ng militar na ginagamit na pantabing ang CoVid19 para ilusot ang kanilang operasyon ay mananatiling target sa pamamarusa ng rebolusyunaryong kilusan.

18th SFC na may pakana ng malawakang hamletting ng mga Palaw'an, binigwasan ng BVC-NPA-Palawan