Aktibong Depensa Laban sa Oplan Galugad ng PNP at AFP
Inaamin ng Napoleon Tumagtang Command, NPA- Larangan Dose ang pag-harass ng sasakyan ng PNP 1st Provincial Mobile Force gamit ang command detonated explosive sa Brgy. Singon, Tubungan, Iloilo alas 9:30 ng umaga Disyembre 23, 2019. Itong aksyong militar ng NPA kaparte pa ng kontra-opensibang hakbang sa limang (5) araw na, na pagpang-atake ng PNP at ng AFP sa teritoryo ng People’s Revolutionary Government simula pa noong Disyembre 19.
Malinaw na inamin ng regional spokesperson ng PNP, Lt. Col. Joem Malong na ipinapatupad nila ang Oplan Galugad. Ipinakat ng kaaway ang 4 na kolum ng mahigit isang daang (100) tropa ng komposit yunit ng 1st Provincial Mobile Force at Regional Mobile Batallion na galing pa sa bayan ng Janiuay, Iloilo. Dahil sa malawak na suportang masa, nalagpasan ng NPA ang kanilang opensibang pang-aatake at sa halip nakalunsar pa ng dalawang harassment actions na nagresulta ng kaswalidad sa kanilang hanay.
Itinago ng PNP ang kanilang kaswalidad sa unang taktikal na opensiba ng NPA ngunit sa huling impormasyon na nakuha ng mga kasama may 3 sugatan na sekreto kinuha ng ambulansya na dinaan sa Leon noong gabi ng Disyembre 22. Malakas din ang balita na may 3 sugatan na kasapi ng PMF sa pagputok ng command detonated explosive sa Brgy. Singon.
Kasinungalingan ang sinabi ni Malong na pinull-out na ang lahat ng tropa ng PNP bilang pagsunod sa ibinabang atas na SOPO (Suspension of Police Operation) na nag-take effect nang-alas 12:01 ng Disyembre 23. Bago ang putukan nandoon pa ang isang kolum ng kaaway sa vicinity ng Brgy. Nagba, Tubungan; alas 6:00 ng umaga mayroong presensya pa ng militar sa Brgy. Ayubo, ng nasabing bayan at habang ginagawa itong pahayag nandoon pa ang isang kolum ng SAF sa Brgy. Cawilihan, Leon. Malinaw ito na nagpapakita ng pagkatuso sa kabila ng kanilang deklarasyon ng ceasefire.
Nakahanda ang lahat na yunit ng NPA sa ilalim ng Napoleon Tumagtang Command na magpatupad ng atas ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng matataas na kumand nito na pansamantalang itigil ang lahat nang inisyatiba sa paglulunsad ng taktikal opensiba bilang pakikiisa sa malawak na masa sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon. Sa kabilang banda, mananatili sa aktibong depensa ang NPA laban sa nanalakay na kalaban.
Sa muli nakikiisa kami sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon sa kabila ng aming paniniwalang ang maligayang pasko at manigong bagong taon mararanasan lamang sa paglaya ng malawak na masa sa pang-aapi at pagsasamantala ng naghaharing uri.
Pag-ibayuhin ang Tapang, Labanan at biguin ang pasistang panunupil ng Rehimeng US-Duterte!
Mabuhay ang Rebolusyon!
Mabuhay ang ika-51 na anibersaryo ng PKP!