Aktibong magtanggol laban sa mga tusong pakana ng AFP sa unilateral ceasefire!–NPA-Rizal
Hungkag ang deklarasyon ng rehimeng US-Duterte sa kanyang idineklarang unilateral ceasefire. Pagpapatunay nito ang naganap na labanan noong ika-28 ng Marso sa ganap na alas-3 ng hapon sa Sitio Malasya, Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal. Inatake ng isang yunit ng 80th IBPA ang isang yunit ng NPA-Rizal na naghahanda para sa ika-51 anibersaryo ng BHB at maglulunsad ng pulong masa upang ihanda ang mga komunidad sa pagharap sa nagaganap na CoVid-19.
Bago pa man ang labanang ito, nagpapatuloy na ang operasyong militar sa Brgy. Puray mula pa buwan ng Pebrero. Naglulunsad ng focused military operations ang yunit ng AFP sa tabing ng Retooled Community Support Program (RCSPO) kung saan malawakan ang ginagawa nitong pandarahas, intimidasyon, pagbabanta o threat, population control sa mamamayan, sapilitang rekrutment sa CAFGU at sapilitang pagpapasuko.
Lalo pa itong pinaypayan ng pagpapatupad ng militaristang solusyon ng rehimen sa kinakaharp na CoViD-19 pandemic. Higit na kinontrol ng 80th IBPA ang aktibidad ng mamamayan at nagpataw ng kamay-na-bakal sa buu-buong komunidad. Pinipigilan ng lockdown ang mamamayan ng Puray na ipagpatuloy ang kanilang hanapbuhay tulad ng paglahok sa produksyon. Wala pa mang aktwal na banta ng CoViD-19, pinipigilan nito ang mamamayan ng Puray na magkaisa at sama-samang harapin at labanan ang lumalaganap na sakit na ito.
Sinasakyan ng AFP ang isyu ng CoViD 19 upang bigyang-katwiran ang kanilang militarisasyon sa mga komunidad sa kanayunan. Ang kongkretong mukha ng lockdown sa kanayunan ay ang pananalasa ng militar sa mga itinuturing nilang baseng masa, kung saan ay kinokontrol nila ang mamamayan pati na ang mga aktibidad ng mga ito. Walang ibinibigay na tulong ang mga militar sa mamamayan kahit pa ang paglilinaw at pagpapaliwanag sa masa kung paano iiwasan ang nakamamatay na sakit na ito. Kagutuman ang hatid ng lockdown sa mga mamamayan kasalungat ng sinasabing layunin ng rehimeng US-Duterte na iligtas ang mamamayan sa tiyak na kapahamakan. Mas matindi pa sa CoVid-19 ang nananalasa ngayon sa kanayunan na nagpapataw ng kamay-na-bakal.
Ang totoong nasa likod ng mga operasyong militar na ito ay ang pagtutuloy ng anti-mamamayang Wawa-Violago Dam kung saan saklaw ang buong Brgy. Puray at mga karatig nito bilang watershed area. Tinututulan ng mamamayan ang proyektong ito, at ginagawang pantapat ng reaksyunaryong gobyerno at armadong pwersa nito ang dahas upang patahimikin ang mamamayan. Nais ng militar na ipatanggap na lamang sa mamamayan ang proyektong wawasak sa kanilang panirahan at kabuhayan. Sa katunayan, nagsilbing sekyuriti ang 80th IBPA sa papulong na ipinatawag ng Violago Dam noong unang linggo ng Pebrero.
Ang nagaganap na lockdown ay bahagi ng pagpapatupad ng kanilang RCSP at FMO sa balangkas ng JCP Kapanatagan upang ipagpatuloy ang mga anti-mamamayang proyekto ng rehimen. Walang ibang layunin ang militar kundi ang wasakin ang base at pigilan ang paglakas ng rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan ng Rizal.
Dapat ilagay ang lahat ng yunit ng NPA sa Rizal sa pinakamataas na pagmamatyag at alerto laban sa tusong pakana ng AFP na lumalabag sa kanilang sariling deklarasyon ng ceasefire. Kasabay nito, nananawagan ang NAAC-BHB Rizal sa mamamayang Rizaleño na labanan ang anumang uri ng karahasang inihahasik ng 80th IBPA na mas matindi pa sa CoVid-19.
Labanan ang CoViD-19 at militaristang solusyon ng rehimeng US-Duterte!
Biguin ang JCP-Kapanatagan!
Ibagsak ang rehimeng US Duterte!