Alisan ng pangil ang pasistang terorismo ng rehimeng US-Duterte
Read in: English
Download: Audio
Inaatasan ng Romulo Jallores Command-Bikol ang lahat ng yunit sa ilalim nito na ipatupad ang pagpigil na makapasok sa teritoryo ng Demokratikong Gubyernong Bayan ng rehiyon ang mga indibidwal na miyembro ng NTF at RTF-ELCAC kabilang ang mga pinuno ng mga ahensya, organisasyon at iba pang aktibong “stakeholder” na identidad sa parehong antas. Gayundin, bilang paggawad ng rebolusyonaryong hustisya, ilulunsad laban sa mga lehitimong target—mga yunit at tauhan ng militar, pulis, grupong paramilitar at ahente sa pag-eespiya ng mga ito—ang mga naangkop na taktikal na opensiba at/o makatarungang aksyong militar. Pinakabatayang layunin ng mga aksyong militar kaugnay nito na alisin ang pangil ng makinarya ng pasismong terorismo ng estado sa pamamagitan ng paglipol ng mga mersenaryong tauhan nito, pagsamsam ang kanilang mga kagamitang militar at pagpigil sa paghahasik ng lagim ng pasistang terorismo ng estado sa hanay ng mamamayan at masang magsasaka.
Naaayon sa kanyang nararapat na kapangyarihan bilang isang belligerent state ang pagpapatupad ng mga patakaran ng Demokratikong Gubyernong Bayan na protektahan ang kanyang mamamayan at teritoryong nasasaklaw. Walang dapat ipangamba ang mga sibilyang napilitan at nalinlang na pumaloob sa ECLIP hangga’t hindi aktibong nagpapagamit sa kaaway at nakagagawa ng krimen laban sa mamamayan. Batay sa matamang pag-aaral at hatol ng hukumang bayan, ipapatupad ng BHB-Bicol ang mga naangkop na makatarungang aksyon laban sa mga indibidwal ng RTF-ELCAC at mga kontra-rebolusyonaryong ahente nito. Titiyakin ng lahat ng yunit ng BHB-Bikol sa pagpapatupad nito ang mahigpit na paggalang sa kanilang mga karapatan ayon sa nasasaad sa Batas at Hustisya ng rebolusyonaryong gubyerno.
Nanawagan at hinihikayat ng RJC-Bikol ang mga militar at pulis na talikdan ang hindi makataong gera laban sa mamamayan ng diktador na rehimeng US-Duterte. Habang nagtatampisaw ang mga matataas na upisyal sa limpak-limpak na kikbak, ipinapain nila na parang pyesa sa chess ang buhay ng mga karaniwang kawal ng sundalo at pulis. Habang nalalango sa kapangyarihan ang pamunuan ng juntang militar, isinubo nila ang mga nakakababang ranggo at kanilang tauhan laban sa pangangalit ng sambayanan. Mahigpit na tatanganan ng RJC-Bikol ang opensibang postura habang isinasaalang-alang ang makataong pagturing sa mga wala nang kakayahang lumaban at mga susuko mula sa inyong panig maging sa gitna ng labanan.