Ambus ng BHB sa PPSC Camarines Sur, Matagumpay!
Matagumpay ang isinagawang ambus ng BHB-West Camarines Sur sa ilalim ng Norben Gruta Command (NGC) sa 1st Camarines Sur Provincial Public Safety Company (PPSC) sa kahabaan ng Maharlika, Highway Napolidan, Lupi Camarines Sur , bandang 8: 55 ng umaga , Oktubre 18, 2018.
Ang nasabing kapulisan ay nagsasagawa ng security convoy sa BFDA Director General Mila Puno nang ito ay tambangan ng mga pulang mandirigma. Tatlo ang napatay at 4 ang sugatan sa tropa ng Camarines Sur PPSC . Ang mga namatay ay sina SPO1 Fercival S. Rafael Jr., PO3 Carlito Navarroza, at PO1 Ralph Vida. Kabilang naman sa mga nasugatan ay sina P01 Jonathan Perillo, PO1 Rudy Buena, Rodolfo Gonzaga at PO1 Alto . Nasamsam ng BHB ang 1 M14 rifle , ammopouts na may 5 magazine at 2 magazine ng cal.45. Bago ito inisparo at napatay din si Teodoro Adaptante ng Brgy Sooc , elemento ng CAFGU na nakadestino sa Alanao, Lupi Camarines Sur, bandang alas – 6:30 ng hapon nitong Oktubre 17.
Ang PPSC at iba pang mersenaryong armadong pwersa ng reaksyunaryong gubyerno ay sangkot sa di mabilang na mga krimen ng paglabag sa mga karapatang pantao. Liban sa walang habas na pagpatay sa mga sibilyan na sangkot di-umano sa ilegal na droga ay higit pa ang duguang kamay nito sa pagpaslang sa mga rebolusyonaryong aktibista. Tampok dito ay sina Andres “Ka Magno” Hubilla at Alfredo “Ka Bendoy ” Merilos at marami pang iba na pinaslang ng walang kalaban- laban.
Ang serye ng matatagumpay na taktikal na opensiba ng BHB ay nagpakita ng kakayahan ng Bagong Hukbong bayan na papanagutin at singilin ang Rehimeng US-Duterte sa walang kaparis na krimen nito sa mamamayan. Ang rehimeng ipinagyayabang ang kanyang mga kaso ng “Extra Judicial Killings” at iba pang pagpapahirap sa sambayanan. Ang pagtalikod ng Rehimeng US-Duterte sa Usapang Pangkapayaan sa NDFP para sa Komprehensibong Kasunduan sa Pang-ekonomya at Panlipunang mga Reporma, at sa halip ay iwasiwas ang ibayong panunupil at karahasan sa mamamayan, ay pagbabayaran nito ng mahal. Muling ipinaalala nito na hindi maibabalewalang pwersa ang BHB taliwas sa ipinangangalandakan ng pamunuan ng mersenaryong reaksyunaryong pwersa ng AFP sa Bikol na wala ng lakas ang NPA , at “conflict manageable” na ang mga probinsya ng Bikol.
Ang pagmamaliit sa kakayahan ng rebolusyonaryong pwersa na ipagtanggol ang inaaping mamamayan ay sasagutin ng higit na papadalas at papalakas na mga taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan . Ang katatapos na opensiba ng BHB, ay nagbibigay ng ibayong katiyakan sa mamamayan na kaya nitong labanan ang alinmang rehimeng walang pakundangan sa pagyurak sa buhay at karapatan ng mamamayan. Nanawagan ang NGC sa mamamayan na pag-ibayuhin ang ating suporta sa ating hukbong bayan at tahakin ang landas ng armadong rebolusyon dahil wala ng ibang paraan para labanan ang diktador, pasista at mapang-aping Rehimeng US-Duterte.
Mabuhay ang sambayanang lumalaban!
Mabuhay ang rebolusyong Pilipino!
Ipagdiwang ang nalalapit na Ika-50 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas!