Ang Solusyon? REBOLUSYON! Pahayag ng Kabataang Makabayan Timog Katagalugan para sa ika-56 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan
Mapagpalayang Anibersaryo sa lahat ng mga Kabataang Makabayan ng Timog Katagalugan at sa buong bansa.
Sa ating selebrasyon ng ika-56 na anibersaryo ng ating organisasyon ay malinaw ang panawagan ng mga Kabataang Makabayan. Panagutin ang inutil na rehimen, patalsikin si Duterte at ubos kayang isulong ang matagalang digmang bayan.
Bukod sa pandemya at mga kalamidad na naranasan ng mga mamamayang Pilipino, ang hagupit ng pasistang rehimen ni Duterte ang pinakamatinding krisis ngayon taong 2020.
Nitong taong 2020, hindi mapagkakaila na sunod-sunod ang mga sakunang bumungad sa mamamayang Pilipino. Pumutok ang krisis ng COVID-19 nung Enero at nagsilbing plataporma upang ipagpatuloy ng gobyerno ang kanilang kalabis-labis na pangungurakot sa kabang ng bayan.Mula sa lubhang pagkalat nito noong Marso, nagdeklara ng isang militaristang lockdown si Duterte upang solusyunan ang pandemya. Tumagal ng halos pitong buwan ang naturang lockdown na nagdulot ng iba’t ibang pasakit sa mga mamamamayang Pilipino kagaya na lamang ng pagkawala ng trabaho ng libo-libong http://manggagawa.Sa kabuuan, umaabot sa mahigit na 428,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipnas at umabot na din sa top 20 na pinakamaraming natalang kaso sa buong mundo. Sa Timog Katagalugan naman, umaabot sa 77,000 ang kabuuang bilang ng apektado ng covid at patuloy pa itong nadadagdagan.Tinatayang 40 ang bilang ng mga nars at doktor na nawalan ng buhay at hindi man lang nabigyan ng sapat na atensyon at benepisyo dahil sa kapabayaan ng gobyerno.
Ginamit din ang pandemyang ito upang bigyan ng karagdang lakas mamasista ang administrasyong Duterte sa pagbigay dito ng emergency powers. Mas inilaan ang kapangyarihang ito upang payabungin lamang ang kanyang kasakiman. Kahit umaabot na sa tumataginting na siyam na trilyon ang utang ng ating bansa, hindi pa din nabigyan ng sapat na pondo ang sektor ng pangkalusugan at ayuda ang mga mamamayan. Ang lumolobong utang ng bayan na hiniram ay napunta lamang sa bulsa ng mga nananamantalang opisyal kagaya ng Philhealth at sa pagpopondo ng mga berdugong kontra-insurhensyang programa ng pamahalaan sa pangunguna ng NTF-ELCAC.Ito ay naging sanhi ng pagaaklas sa iba’t ibang lugar kahit nasa gitna ng pandemya.
Kinalaunan, ipinatupad naman ang Anti-Terror Law na lalong nagpalobo sa kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga mamamayang Pilipino. Kung tutuusin, bago pa ang pagpapatupad ng ATL, mahigit 27,000 ang bilang ng kasong paglabag ni Duterte sa karapatang pantao.
Nitong taon din ipinasara ang ABS-CBN na naging dahilan ng pagkawala ng trabaho ng halos 11,000 na mamamayan. Ang pagpapasara ng mga pahayagan at panunupil sa ating mamamahayag ay simbolo ng pangbubusal ng gobyerno sa tinig ng masa.
Para sa mga kabataan, pilit itinuloy ang pagbabalik eskwela kahit hindi binigyan ng sapat na suporta at kahandaan ang mga guro at mga mag-aaral. Lalong pinakita ng pandemya ang kabulukan ng ating sistema ng edukasyon, ito ay kasulukuyang hindi para sa lahat. Hambog na pinabubulaanan ni Briones at De Vera ang mga problema sa kanilang pamamalakad. Nananatiling bingi sa mga panawagan at hinaing ng mga estudyante at guro. Sa huli, naiwan sa ere at patuloy na nagdusa ang mga estudyante at guro.
Ngayong Nobyembre, sunod-sunod naman ang pananalasa ng mga bagyong Quinta, Rolly at Ulysses. Habang kaliwa’t kanan ang iba’t ibang organisasyon at indibidwal na magsagawa ng mga programang maglikom ng donasyon upang matulungan ang mga nasalanta ay kabi-kabila naman ang ginawang paninisi ni Duterte. Dagdag pa dito ang naunang pagkaltas sa badyet para sa paghahanda sa kalamidad na mula sa P39 bilyon ay naging P15 bilyon na lamang.
Noon pa man, dahas ang laging sagot ng kasalukuyang administrasyon sa lahat ng krisis na ating pinagdadaanan. Paulit-ulit nang ipinamalas ng administrasyong Duterte ang kanyang pamamasista sa mga ordinaryong mamamayang Pilipino. Siya at ang kanyang mga alipores ay nahahalatang walang interes na tunay na paglingkuran ang sambayanan. Napatunayan mula na wala tayong maaasahan sa kanila; napatunayan muli na tayong mga ordinaryong mamamayang Pilipino lamang ang maaasahan para sa tunay na pagbabago.
Ang namumukod tanging terorista ay ang diktaduryang Duterte. Kaya’t nararapat lamang na siya at ang kanyang mga alagad ay maalis sa pwesto.
Ngayong ika-56 na anibersaryo ng Kabataang Makabayan ay mas lalong hinog na ang panahon upang kumilos ang kabataan. Malaki ang ambag ng kabataan sa pagtutulak ng pagbabago sa lipunan. Kasaysayan na ang nagsasabi sa instrumental na papel ng kabataan sa rebolusyon at ang pangangailangan na tayo ay sumanib sa iba pang mga sektor na patuloy na binubusabos ng isang sistemang bulok. Ang tanging sagot sa ating mga pagdurusa ay ang paglahok sa Rebolusyong Pilipino. Ang pagtangan sa pinakamataas na anyo ng pakikibaka at paghawak ng armas upang mapalaya ang sambayanang Pilipino.
Sa pagsasagawa at pagsapi sa rebolusyon ay nakatitiyak tayong sa mga susunod na panahon ay ating makakamtan ang minimithi nating tagumpay at kalayaan.
Atin ring pinagpupugayan ang lahat ng Kabataang Makabayan na nag alay ng buhay para sa sambayanan. Ang inyong buhay at pakikibaka ay aming inspirasyon.
Kabataan, tumungo sa kanayunan! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Kabataang Makabayan!
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Pambansang Nagkakaisang Prente!
Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!