Atake ng AFP sa NPA-Quezon, bigo!

 

Nabigo ang Armed Forces of the Philippines na pinsalain ang New People’s Army noong tanghali ng July 29 nang maunahang barilin ng pulang hukbo ang umaatakeng sundalo sa boundary ng Sito Tabakin, Brgy Ilayang Ilog A ng Lopez at Sityo Malaking Aak, Brgy Vista Hermosa ng Macalelon.

Hindi bababa sa tatlong sundalo ang kaswalti sa naturang labanan na tumagal nang halos 15 minuto. Ligtas namang nakaatras ang NPA na walang isa mang pinsala sa kanilang tropa.

Ayon kay Ka Cleo del Mundo ay tuluy-tuloy ang operasyong kombat ng 85IB at 59IB sa South Quezon-Bondoc Peninsula kahit sa kasagsagan ng pagharap ng buong bansa sa pandemyang Covid-19.

“Hindi priority ng berdugong si Duterte ang pagsugpo sa nakahahawa at nakakamatay na Covid-19. Pagsugpo sa rebolusyunaryong kilusan ang inaatupag ng militaristang rehimen. Walamg kahihiyan ang gubyernong ito sa mata ng buong daigdig,” pahayag ng tagapagsalita ng NPA-Quezon.

Nasa panahon ng pag-aaral at paghahanda ang mga NPA sa isinasagawa nilang kampanyang pangkalusugan nang salakayin sila ng mga sundalo, ayon sa inilabas na pahayag ni del Mundo.

Noong July 13, nagkaroon din ng enkwentro sa Brgy Anyao, Catanauan kung saan tatlong sundalo ang patay. Ikalimang labanan na ito na naganap sa lalawigan mula nang ipatupad ng gubyernong Duterte ang lockdown at community quarantine. Dalawa sa mga labanan ay nangyari sa panahon ng sariling ceasefire ng Armed Forces of the Philippines nang lusubin nila ang kampo ng mga NPA sa Gumaca at San Narciso.#

Atake ng AFP sa NPA-Quezon, bigo!