Bagong kasinungalingan ng AFP-PNP, aani ng medalya kay Duterte!
Mariing kinukundena ng Communist Party of the Philippines-Southern Tagalog ang iligal na pag-aresto ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA sa isang nagngangalang Ernesto Panganiban sa Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro nitong Agosto 6. Ayon sa pulisya, si Panganiban na may alyas na Gavino/Joker/Istoy/Nori at Rato ay diumano’y isang kagawad ng NPA na may patong sa ulo na P4.5M at may mga sam-pang kaso ng pagpatay. Imbwelto din daw si Panganiban sa mga inilunsad na tak-tikal na opensiba ng NPA sa Mindoro.
Pinasisinungalinan ng CPP-ST ang pahayag ng AFP-PNP na si Panganiban ay kagawad ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) ng CPP . Si Panganiban ay hindi kailanman naging kagawad ng STRPC ni hindi ito kilalang naging kasapi ng CPP at NPA sa Mindoro at rehiyon. Malinaw na ginagamit na sangkalan ng AFP-PNP si Panganiban upang kubrahin at paghati-hatian ng matataas na upisyal ng AFP at PNP ang P4.5M patong-sa-ulo sa pinalalabas nilang mataas na upisyal ng CPP-NPA sa Southern Tagalog. Hindi ito isang kaso ng “mistaken identity” kundi kalkuladong operasyong say-ops para likhain ang isang ilusyon na nagwawagi ang kontra-rebolusyonaryong gera ng rehimeng Duterte. Lansakang paglabag ito sa karapatang tao at sibil ni Panganiban at dapat siyang kagyat na palayain.
Sa wangis ng kanilang sinungaling na among si Duterte, nagpapakahusay ang AFP-PNP sa kanilang kasinungalingan, kampanyang disimpormasyon at red tagging upang papaniwalain ang mamamayan sa diumano’y mga tagumpay nito laban sa rebolusyonaryong kilusan. Kasabay ng mga inilulunsad na mararahas na FMO at mapanlinlang na RCSPO at ang kultura ng impyunidad sa hanay ng pasistang militar, walang ibang idinudulot ito kundi ang paparaming bilang ng paglabag sa karapatang tao ng mamamayan sa Southern Tagalog at buong bansa.
Ang kaso ni Panganiban ay katulad sa iligal na pang-aaresto at detensyon kay Rolly Panesa noong Oktubre 2012 at kay Fidelina Margarita “Ginging” Avellanosa-Valle noong Hunyo 2019, na parehong sa huli’y aaminin ng mga ahente ng estado bilang “mistaken identity arrest”.
Si Panesa, isang residente at pribadong security guard sa Quezon City ay dinukot, ikinulong at pinahirapan ng mga elemento ng 2nd ID, military intelligence at PNP. Dinukot siya habang kasama ang asawa at anak sa harap ng Ministop sa kanto ng Aurora Boulevard at Anonas St. sa Quezon City. pagtakpan ang kanilang kapalpakan, ipinahayag ng noo’y AFP SOLCOM Commander na si Maj. Gen. Alan Luga na si Panesa ay si “Benjamin Mendoza” na isang mataas na lider diumano ng rebolusy-onaryong kilusan sa Southern Tagalog. Sinampahan si Panesa ng kasong rebelyon subalit ibinasura ng korte at iniutos na palayain ito.
Samantalang si Valle naman na isang kolumnista ng Davao Today ay iligal na inaresto ng CIDG-PNP sa Laguindingan Airport, Misamis Oriental at ibininbin ng CIDG sa Iligan City at Pagadian City. Mapag-aalalaman niyang inaresto siya batay sa warrant of arrest sa multiple murder with quadruple frustrated murder and damage to government property sa isang Elsa Renton@Tina Maglaya. Sa huli’y aaminin ng PNP na si Valle ay may pagkakahawig sa suspect ngunit hindi ito ang suspect na tinutukoy sa warrant. Ngunit magpapatuloy ang harassment kay Valle at kasamahan niya sa media.
Ang nangyaring pag-aresto kina Panesa at Valle ay ilan lamang sa mga kasong sa huli’y aaminin ng AFP na case of mistaken identity arrests. Ang pag-aresto naman kay “Ernesto Panganiban” na pinalalabas na kagawad ng STRPC na may P4.5M patong sa ulo ay bahagi ng modus operandi ng AFP-PNP upang makolekta ang bounty sukdang mag-imbento sila ng mga kwento at lumikha ng mga identidad at bagong katauhan para dito. Bahagi din ito ng kampanyang intimidasyon at paninirang-puri na walang tigil at sistematikong ginagawa ng AFP-PNP upang takutin at pipilan ang sinumang kalaban at kritiko ng rehimeng Duterte.
Sa kabila ng napakalaking pondo ng AFP-PNP para sa intelligence at surveillance ng mga kalaban at kritiko ng rehimeng Duterte, katawa-tawa at kahiya-hiya ang ganitong insidente ng pag-aresto kay Panganiban na tiyak ipinangangalandakan at gagamitin ng bagong itinalagang SOLCOM Commander na si Maj. Gen. Bartolome Bacarro upang umani ng papuri, promosyon at medalya mula kay Duterte. Katawa-tawa na si Bacarro na nabigyan ng Medal of Valor Award noong 1986 dahil sa ipinamalas daw na kagitingan ay nakuha ang nasabing medalya sa pagtakbo sa labanan laban sa NPA sa Maconacon, Isabela. Matutulad lamang ang kanyang rekord sa pinalitan nyang si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na hanggang sa pagretiro, ang maipagmamalaki lamang ay ang labis na kadaldalan, paghahambog at madugong rekord laban sa mamamayan.
Nagkokoro ang mga kontra-rebolusyonaryo at kontra-mamamayang alipures ni Duter-te sa ilalim ng JCP Kapanatagan, NTF-ELCAC, Anti-terror Law ng 2020 at ng de-facto Martial Law sa paghahasik ng matinding lagim at teror sa mamamayan sa ilalim ng dikta ng imperyalismong US. Sunud-sunuran ang AFP-PNP na hulihin, ikulong at patayin ang sinumang ipinag-uutos ng kanilang ulol at pasistang among si Duterte. Nalampasan na ng rehimeng Duterte ang pinagsamang rekord ng mga nakaraang rehimen sa pagpatay at iba pang atrosidad laban sa mamamayan.
Kung kaya’t ilang buwan pa bago matapos ang kanyang termino sa pagkapangulo, inaasam at kumikilos ang sambayanang Pilipino para wakasan na ang tiraniya ni Duterte na nagpayaman ng mga nasa kapangyarihan habang inilulugmok sa labis na kahirapan ang masang anakpawis. Nananawagan ang CPP-ST sa mamamayan na ibagsak ang rehimeng Duterte dahil sa kanyang mga krimen at atrosidad at itakwil ang babasbasan nyang tagapagmana sa kanyang tiranikong paghahari. Hindi na dapat magtagal sa estado poder ang inutil, traydor at pasistang rehimen. ###