Batikusin ang pag-aresto sa mga nagraling LGBTQ
Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang marahas na pagbuwag at arbitraryong pag-aresto ng PNP sa benteng lumahok sa Pride Month rally kanina ng mga LGBTQ. Nagtipon ang mga LGBTQ at kanilang mga tagasuporta upang tuligsain ang pang-aapi sa kanila, batikusin ang palyadong pagtugon sa pandemyang Covid-19 at labanan ang mga tiraniya at pasismo ng rehimen.
Ang walang-batayang pag-aresto sa benteng nagrali ay bahagi ng desperadong pagpapatahimik ng rehimeng Duterte sa mamamayang disgustado sa kanyang lansakang terorismo. Pangita ito ng kahihinatnan ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng nakaambang Anti-Terror Bill.
Dapat lang na ipagmalaki ng mga myembro ng LGBTQ at kanilang mga kapanalig ang pag-ulos ng galit sa teroristang paghahari ni Duterte. Ang kanilang pagkamuhi ay tumitipon sa namumuong poot ng sambayanan na magpapabagsak sa tirano.