Biguin ang anti-komunistang gerang NTF-ELCAC hanggang sa susunod na dalawang taon!
Katawa-tawa at pulos kayabangan ang pahayag ni Duterte na mawawakasan ng NTF-ELCAC ang CPP-NPA-NDFP sa susunod na dalawang taon. Desperadong putak ito ng pasistang pangulo na nabigong kamtin ang target sa kanyang termino. Ang pagdurog sa rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan ay habambuhay na pangarap na gising ng reaksyunaryong gubyerno kahit na ipagpatuloy ito sa susunod na administrasyon.
Sampal sa mukha ng rehimeng Duterte ang paulit-ulit na pag-atras nito ng dedlayn ng kontra-rebolusyonaryong kampanya ng NTF-ELCAC. Ang pagtutuloy ng programa ng NTF-ELCAC hanggang sa susunod na rehimeng US-Marcos II ay pagpapatunay na nabigo si Duterte na makamit ang target nitong lipulin ang buong rebolusyonaryong kilusan sa kanyang termino.
Pinalalabas ng pangkating Duterte na matagumpay ang NTF-ELCAC para bigyang katwiran ang pagpapatuloy nito sa susunod na rehimen. Panay ang pagbabandera nito sa task force at nakamit nitong mga pekeng suko, mga “nalinis” na barangay at mga nanyutralisang “kadre” ng CPP-NPA-NDFP. Sa katunaya’y pulos ito mga krimen na dapat panagutan ng NTF-ELCAC at lider nito, pangunahin si Hermogenes Esperon na mastermind sa likod ng hibang na anti-komunistang kampanya.
Asahan ng mamamayang Pilipino ang higit pang pagdami ng mga kaso ng paglabag sa karapatang tao sa ilalim ng pangalawang rehimeng Marcos. Pagpapatuloy ito ng mga pambobomba at panganganyon ng estado sa kanayunan na nagdisloka sa mamamayan at pumerwisyo sa kanilang kabuhayan kagaya ng ginawang pambobomba sa hangganan ng mga bayan ng Catanauan, Buenavista, Mulanay at San Narciso sa Quezon noong Pebrero 2021; hangganan ng Roxas at Mansalay ng Oriental Mindoro noong Marso 2021; Brgy. Nicanor Zabala, Roxas, Palawan noong Hulyo 2021; at hangganan ng Bongabong, Oriental Mindoro at San Jose, Occidental Mindoro nitong Pebrero 26. Pagtindi ito ng mga operasyong militar na magreresulta sa pamamaslang, pananakot, sapilitang pagkawala at iba pa.
Hanggang sa nalalabing panahon ni Duterte sa poder, naghahabol ito ng tropeo sa ngalan ng gera nito laban sa “terorismo”. Sa Timog Katagalugan, ipinakat ang dagdag na mga pwersang 68th IBPA sa Mindoro. Ang militarisasyon sa kanayunan at kaakibat nitong paglala ng mga kaso ng AFP-PNP sa paglabag sa karapatang tao ay higit na nagpapaalab sa galit ng mamamayan sa pasistang estado. Lalo nitong itinutulak ang mamamayan na suportahan at sumapi sa NPA, taliwas sa sinasabi ng bulaang si Duterte na “humihina na ang rebolusyonaryong kilusan sa whole-of-nation approach ng NTF-ELCAC”.
Taliwas sa nais palabasin ng rehimen, patuloy na umaani at nagtatamasa ng malawak na suporta ng mamamayan ang CPP-NPA-NDFP dahil sa dalisay nitong layuning palayain ang bayan mula sa pang-aapi at pagsasamantala. Sa ilalim ng pasistang rehimeng Duterte, higit nilang nabatid na rebolusyon lamang ang solusyon upang makamit ang kanilang kahilingan sa lupa, trabaho, sahod at karapatan. Sa kanayunan, ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika ang tanging gubyernong nagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa at nagkakaloob ng serbisyong panlipunan sa mamamayang saklaw nito. Ngayong pandemya, naging mahigpit na katuwang ng mamamayan ang mga rebolusyonaryong organisasyong masa at mga yunit ng NPA sa pagsansala at paglaban sa COVID-19 laluna sa mga inabandonang lugar ng estado.
Maaasahan ng mamamayang TK na ipagtatanggol sila ng mga yunit ng NPA sa rehiyon sa harap ng pinatinding anti-komunistang gera ng NTF-ELCAC sa susunod na rehimeng US-Marcos II. Sa pangunguna ng NPA, bibiguin ng rebolusyonaryong paglaban ang mga atake at terorismong inihahasik ng estado.
Nararapat itaas ang antas ng digmang bayan sa bansa. Inaatasan ng MGC na maglunsad ng paparaming opensiba ang mga yunit ng NPA sa saklaw nito. Durugin ang mga pwersa ng nag-ooperasyong AFP-PNP sa mga sona at larangang gerilya. Ihatid ang demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa tagumpay!###