Bulaan ang paratang na kidnapping ni Duterte kontra BHB
Read in: English
Ang paratang ni Duterte kahapon na ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) ay kumikidnap ng mga bata ay isang malaking kasinungalingan. Walang kabata-batayan.
Ang satsat ni Duterte ay desperadong tangkang ilihis ang mga reklamo ng paglabag sa karapatang-bata laban sa mga upisyal ng pulis na nagreyd sa Paaralang Bawkit sa University of San Carlos sa Cebu City higit isang linggo na ang nakaraan.
Maraming guro at datu ang kakatawang inakusahan ng kidnapping at pagbibigay ng pagsasanay-militar para rekrutin ang mga bata sa BHB.
Walang katotohanan sa sinasabi ng mga pulis at militar na ang Paaralang Bakwit ay paaralan ng BHB. Kapag tinuturuan ba ang mga bata na magmahal sa katutubong kultura at magtanggol sa kanilang lupang ninuno, NPA na?
Sa pagkaalam namin, ang mga batang ito ay kinakanlong sa kampus matapos silang tumakas mula sa pang-aabuso ng AFP sa kanilang komunidad. Sa katunayan, ang malubhang paglabag ng militar sa karapatan sa kanilang mga komunidad ang nagtulak sa mga bata na lisanin ang kanilang mga tahanan at humanap ng sangktwaryo.
Ang walang batayang akusasyon ni Duterte at kasinungalingan ang nagpapatunay ng walang tigil na kampanya ng red-tagging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban sa mga kritiko ni Duterte at pwersang oposisyon.